• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romnick at Cris, parehong hanga sa boyfriend ni Kathryn: DANIEL, very pleasant na katrabaho at parang kuya sa young cast

“DANIEL Padilla is very pleasant to work with,” pahayag ni Romnick Sarmienta tungkol sa kalabtim at boyfriend ni Kathryn Bernardo sa zoom presscon ng trending series na 2Goor 2Be True.

 

 

Mas maganda na raw ang ugnayan nina Romnick at Daniel ngayon na gumaganap bilang mag-ama sa naturang serye.

 

 

Ayon pa kay Nicko, mas marami silang common interests ni Daniel tungkol sa tao. Mas maganda raw ang chemistry nila.

 

 

For his part, sinabi naman ni Cris Villanueva na he loves working with young people dahil naalaala raw niya ang galawan nila nung ganun edad sila.

 

 

“Lagi rin silang magkakasama at ‘di naghihiwalay,” dagdag pa ni Cris.

 

Hanga rin siya na siy DJ ang tumatayong lider ng grupo.

 

 

“Siyempre pag nasa lock-in taping ka at malayo sa pamilya, ‘di mo maiwasan ang malungkot. Si DJ ang parang kuya who takes care of the young cast.”

 

 

 

Kapwa sinabi nina Romnick at Cris na maswerte sila at naging part sila ng 2Good 2Be True.

 

 

 

***

 

 

 

KAHIT na sure kami na marami ang nagdarasal para gumaling si Kris Aquino, kailangan pa rin niya ng mas marami pang dasal ngayon.

 

 

 

Nagka-Covid 19 silang mag-iina at any mother ay di gugustuhin na magkasakit ang kanyang anak.

 

 

 

Kaya Kris will surely like it kung mas marami pang magdarasal para bumuti ang health nila nina Josh at Bimby.

 

 

 

Sana ay malagpasan ni Kris at kanyang mga anak pagsubok na ito.

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto

    Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.     Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro.     Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]

  • MAYO 9, ARAW NG HALALAN, SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

    OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 9, araw ng National at Local Elections.     Nakasaad sa ipinalabas na Proclamation No. 1357 ng Malakanyang na kapuwa pirmado nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea Jr. na may pangangailangan na ideklarang special […]

  • Sotto at 36ers wagi sa Phoenix

    NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia.     Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 re­bounds para sa 36ers.     Hataw si Daniel Johnson […]