Romualdez pinuri anti-smuggling ops ng Customs
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Bureau of Customs (BOC) sa pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng P85.1 bilyong halaga ng kontrabando at ang matagumpay na pagsasagawa ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong 2024.
Habang kinikilala ang mga mahahalagang tagumpay ng BOC, muling iginiit ni Speaker Romualdez ang agarang pangangailangan na palakasin pa ang pagpapatupad ng batas laban sa agricultural smuggling, na patuloy na banta sa mga lokal na magsasaka at sa seguridad sa pagkain.
“Maganda ang ginagawa ng Customs sa paglaban sa smuggling, pero hindi tayo dapat huminto. Kailangang mas paigtingin ang kampanya lalo na laban sa agricultural smuggling na sumisira sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at nagpapahirap sa taumbayan,” diin ni Romualdez.
Ipinunto rin ng Speaker ang nakakabahalang mga ulat tungkol sa malalaking bulto ng bigas na naiwan sa mga pantalan at ang pagtatambak ng mga imported na frozen chicken, na nagpapalakas ng hinala na may nagaganap na manipulasyon sa suplay.
Anya, ang ganitong imoral at iligal na gawain ay nagpapahirap sa mga magsasaka at mamimili, nilalabag ang patas na presyo, at inilalagay sa panganib ang seguridad sa pagkain ng bansa.
“Huwag nating hayaang magamit ang smuggling at hoarding bilang sandata laban sa ating ekonomiya. Dapat supilin ang mga sindikato at tiyakin na ang pagkain ay abot-kaya ng bawat Pilipino,” ani Romualdez. (Daris Jose)
-
Pagsuspinde sa barangay SK elections desisyunan na! – Comelec
UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakapagdesisyon na ang Kongreso hanggang katapusan ngayong Agosto kung sususpindehin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang makapaghanda sila. Sinabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre. […]
-
Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%
NAGBIGAY nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023. Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang […]
-
NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]