• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romualdez, pormal nang hinirang bilang Speaker ng House of Representatives

PORMAL nang hinirang bilang Speaker of the House of Representatives (HOR) si Leyte Representative Martin Romualdez ngayon sa unang araw ng 19th Congress.

 

 

Ito ay matapos siyang i-nominate ng kanyang pamangkin at presidential son na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos kasabay ng pagsambit nito sa mga kwalipikasyon ni Romualdez bilang isang pinuno na mag-aakay aniya sa lahat patungo sa mas mataas na antas.

 

 

Bagay na sinang-ayunan naman ni Batangas Representative Ralph Recto dahil sa mayaman na raw sa karanasan sa loob at labas ng pamahalaan si Romualdez matapos itong maglingkod sa House sa loob ng limang taon bilang majority leader at independent fiscalizer.

 

 

Batay sa resulta nang naging eleksyon para sa susunod na manunungkulang speaker of the House, lumabas na umabot sa 282 na mga miyembro sa House ang bumoto kay Romualdez habang nasa apat naman ang nag-abstain, at 22 ang hindi bumoto.

 

 

Samantala, ang mga indibidwal na hindi bumoto sa halalan para sa susunod na speaker of the House ay kinakailangang bumuo ng Minority bloc at maghahalal din sila ng kanilang pinuno, alinsunod yan sa mga alituntunin ng Kamara na pinagtibay naman ng Korte Suprema. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]

  • Donaire pinaghahandaan na ang rematch kay Inoue

    SIMULA na ng pukpukang ensayo ni World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Fil­ipino Flash” Donaire para sa kanilang unification bout ni World Boxing Association (WBA) at International Bo­xing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.     Nakatakda ang blockbuster rematch nina Donaire at Inoue sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan. […]

  • DSWD: 3M pangalan kinalos sa SAP beneficiaries

    Nagtanggal ng nasa tatlong milyong pangalan ang Department of Social Welfare and Development mula sa listahan ng Social Amelioration Program beneficiaries na makatatanggap sana ng second tranche ng ayuda.   Ayon kay DSWD Undersecretary Glen Paje tinanggal ang mga pangalan dahil sa iba’t ibang rason tulad ng:   ·         double listing; ·         nakatanggap na ang […]