• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon

NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis.

 

“Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir the president has addressed your views. You’re sourgraping because he did not appoint you as secreatry of health. Pasensyahan na lang po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang advice ko lang kay Dr. Leachon hindi mo pinagbuti ang trabaho mo sa IATF at ang nakita natin meron kang ulterior motive aside from serving our people kaya tinanggal ho namin kayo. ‘Yun pa lang nakita natin na si Dr. Leachon wala talagang word of honor yan, talagang mahirap makasama,” ang pahayag naman ni Galvez

 

Sa isang panayam kasi kay Leachon ay sinabi nito na natatawa siya na mare-reject na naman ang rekomendasyon ng IATF na buksan na ang mga traditional cinema sa bansa.

 

“Dapat siguro, wala ng IATF kasi lagi namang nabi-veto eh. At mas matatalino pa nga iyong mga netizens natin eh. Praktikal silang mag-isip eh. So, sa atin lang naman na comment iyon. I think, it’s about time na i-revisit natin kung ano ang role ng IATF. It has become a battle neck area for decisions not based on science. And the end of the day, we should delegate it to the Metro Manila mayors in terms of the implementation kasi mas nakakaalam sila on the pulse of the nation eh,” ayon kay Leachon.

 

Para pa rin kay Leachon, kailangan nang i-abolish ang IATF dahil irrelevant na sa ngayon ang task force dahil mas praktikal aniya pa na mag-isip ang mga netizens.

 

Bukod pa aniya sa marami ng ipinalabas na guidelines ang IATF na na-veto.

 

“Kasi walang maipresent na scientific reason for the cinema eh. So, saan nila pinupulot ang data nila to make guidelines tapos ibi-veto ng NCR. And since may local government code.. ang local government code supersedent the national code. at the end of the day, ang Mayor pa rin ang magi-implement kahit may IATF,” ang pahayag ni Leachon.

 

Para kay Leachon, makabubuti na nakatuon na lamang ang pansin ng IATF sa centrality ng focus ng buong mundo.

 

“So, kung inuuna natin ang procurement ng bakuna, in-implement natin ito at hindi tayo nagi-implement ng maliliit na bagay na walang kabuluhan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Walang kinalaman sa mandato ko bilang Vice President at DepEd Secretary ang sama ng loob ni FL Liza

    WALA umanong kinalaman ang personal na damdamin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa mandato ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte bilang bise presidente ng Pilipinas.     Sa isang video message, sinabi ni Duterte na bilang tao, karapatan ng First Lady na makaramdam ng sama ng loob at galit sa […]

  • Opisyal ng PhilHealth nagbitiw sa puwesto

    Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang anti-fraud legal officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Atty. Thorrsson Montes Keith.   Sa kanyang resignation letter na isinumite kay PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, isinaad nito na ang dahilan ng pagbitiw niya sa puwesto ay dahil sa hindi makatarungang job promotion process.   Kasama rin […]

  • PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

    IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.   Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]