Rosales, Terrafirma may hinahanap pang piyesa
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
WALA pa ring angas ang Terrafirma may anim na taong kampanya sa Philippine Basketball Association (PBA)
Sa ika-46 na edisyon ng unang Asia’s play-for-pay hoop nitong 2020 Philippine Cup, nangulelat ang Dyip sa pagsungkit lang ng isang panalo at may 11 talo season.
Inesplika ni team governor Demosthenes ‘Bobby’ Rosales nitong Sabado, Enero 30 ang pag-trade sa kanilang franchise player na si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa San Miguel Beer 2021 first round pick at tatlong bench player.
“Wala namang question, kasi CJ Perez is a very good player. But medyo unfair din na kakargahin niya ang buong burden kahit gaano siya kagaling. Ang sabi nga ng top management sa amin, ‘you will not gain fans, you will not gain the respect of competition, or even top management if you don’t start winning games,” bulalas ng opisyal ng koponan.
Biyernes, Enero 29 nang magpa-press release ang Terrafirma sa nakakagulantang na balita sap ag-swap kay Perez sa Beermen para nina Russel Escoto, Joshua Angelo ‘Gelo’ Alolino, Matthew Allen ‘Matt’ Ganuelas-Rosser at SMB first-round pick sa Marso 14 na 36th PBA Rookie Draft 2021.
“To get all this missing pieces (of the team), ofcourse mahirap kunin sabay-sabay, but to be able to get them also we have to look around saan ba u kumuha of course the forth coming Draft is one source. Unfortunatley, isa lang ang pick namin sa first round rather, wala kaming second round pick tapos sa third round na kami makakapili ulit. It was a process really. If we really want to get something of value, you have to give up something of value also.”
Klinaro rin ni Rosales nina na masaya’t maayos naman ang relasyon koponan sa performance ng 27-year, 6-foot-2 guard/forward, two-time scoring champion at 2018 fiurst round pick overall na si Perez, .
“Definitely. Alam ng lahat na magaling si CJ. So, mataas din ang expectation to the point na siguro nga, naging unfair din para sa kanya na ike-carry niya lahat ng burden. Mahirap manalo din ng nag-iisa. Alam naman natin lahat yun sa basketball. Happy naman kami (with him). There are no differences with CJ. Maganda naman ang rapport namin kay CJ kaya nga lang there’s a certain point kasi na you have to make a tough call also. People may disagree, and we respect that opinion.
Wala ring request na tradfe ang basketbolistang tubong Hongkong at produkto ng San Sebastian College Recoletos Golden Stags at Lyceum of the Philippines University Pirates sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
“Hindi naman. Si CJ is very professional. He did not ask for a trade,” wakas na sambit ni Rosales.
Bahala na kayo mga giliw naming mambabasa na humusga. Kung ano ang sa inyo, kaprehas na rin nang sa Opensa Depensa. (REC)
-
10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India
HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City. Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas. Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na […]
-
Angelina Jolie, Reveals the Reason Why She Signed on for MCU’s Upcoming Movie ‘Eternals’
ANGELINA Jolie reveals why she said yes to Marvel’s Eternals. The next MCU movie after Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, Eternals shifts the focus away from the better known Marvel superheroes and instead introduces a new, eponymous group of superpowered individuals based on Jack Kirby obscure comic book team. The movie navigates the adventures of the titular, immortal […]
-
Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona
ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila. Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz. Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina Crystal Jacinto […]