Rosser pinalitan ni Vigil
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI nakabalik ng Manila si Matt Ganuelas- Rosser kaya liliban ang Fil-Am sa kampanya ng defending champion San Miguel Beerm sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Bubble sa Clark Frreport.
Bago pa magbukas ang edisyong ito ng liga’y ay out na rin si five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na nabalian ng alulod sa isang praktis ng Beermen noong Pebero. May isang taon ang rehabilitasyon at therapy niya.
Kaya ipinasya ng SMB na ibalik si Louie Vigil para humalili sa puwesto ni Rosser sa PBA sa propsyonal na liga na magbabalik sa Linggo, Oktubre 10 tapos matengga dahil sa lockdown hatid ng Covid-19 noong Marso.
Nasa California pa ang 30- anyos na 6-5 wingman ng serbesa.
“He wrote a letter to the management and coaching staff regarding the whole family in the States,” esplika ni coach Leovino Austria nitong isang araw. “Alam naman natin ang California, the past few weeks maliwanag ang kalangitan nila du’n because of the wildfire. Siguro apektado rin sila du’n.”
Ipinahiram sa kalagitnaan ng nakaraang Governors Cup ng San Miguel ang 6-3 wing na si Vigil sa San Miguel-Alab Pilipinas team sa ASEAN Bas- ketball League o ABL. Dagdag armas siya sa labas kagaya nina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Von Pessumal. (REC)
-
Ads March 18, 2023
-
P19.65B, nagastos ng DoH para sa benepisyo ng mga health workers
PUMALO na sa P19.65 billion ang nagastos ng Department of Health (DoH) para sa benepisyo ng mga healthcare workers. Base sa DOH accomplishment report para sa buwan ng Hulyo at Disyembre na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, makikita rito na kabilang ang active hazard pay sa benepisyo na ibinigay sa medical personnel. […]
-
Pintor timbog sa P200K shabu sa Valenzuela
AABOT mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang pintor na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Kulog, 50, house painter at […]