• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rosser pinalitan ni Vigil

HINDI nakabalik ng Manila si Matt Ganuelas- Rosser kaya liliban ang Fil-Am sa kampanya ng defending champion San Miguel Beerm sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa Bubble sa Clark Frreport.

 

Bago pa magbukas ang edisyong ito ng liga’y ay out na rin si five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na nabalian ng alulod sa isang praktis ng Beermen noong Pebero. May isang taon ang rehabilitasyon at therapy niya.

 

Kaya ipinasya ng SMB na ibalik si Louie Vigil para humalili sa puwesto ni Rosser sa PBA sa propsyonal na liga na magbabalik sa Linggo, Oktubre 10 tapos matengga dahil sa lockdown hatid ng Covid-19 noong Marso.

 

Nasa California pa ang 30- anyos na 6-5 wingman ng serbesa.

 

“He wrote a letter to the management and coaching staff regarding the whole family in the States,” esplika ni coach Leovino Austria nitong isang araw. “Alam naman natin ang California, the past few weeks maliwanag ang kalangitan nila du’n because of the wildfire. Siguro apektado rin sila du’n.”

 

Ipinahiram sa kalagitnaan ng nakaraang Governors Cup ng San Miguel ang 6-3 wing na si Vigil sa San Miguel-Alab Pilipinas team sa ASEAN Bas- ketball League o ABL. Dagdag armas siya sa labas kagaya nina Terrence Romeo, Marcio Lassiter, Von Pessumal. (REC)

Other News
  • Three ‘Filipino BL Series’ Now Streaming on WeTV and iFlix

    HERE are three new Pinoy BL series that remind us that love can be found when and where you can least expect it – and you can watch them for free on WeTV and iflix.   QUARANTHINGS: THE SERIES (2020) CAST: Royce Cabrera, Kyo Quijano DIRECTOR: Pancho Maniquis   Quaranthings: The Series follows the friendship of two boys, […]

  • PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine

    PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine.   “The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who […]

  • SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION

    Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino.     Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]