ROW problema sa MMSP at NSCR
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBUO ang pamahalaan ng isang interagency committee na siyang magreresolba sa problema sa Right-of-Way (ROW) sa ginawagang Metro Manila Subway Project (MMSP) at North-South Commuter Railway (NSCR).
Nagkakaron ng mga delays sa ginagawang konstruksyon ng nasabing dalawang railway projects dahil sa problema sa ROW.
May maapektuhan na 40 kabahayan sa ginagawang 33-kilometer underground na MMSP.
“If you fail to deliver them, it will cause a delay. In fact, that is one of the reasons there are delays in our projects such as the MMSP,” wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Ang MMSP ay may pondong umaabot sa P488.48 billion na siyang tinatawag na isang “Project of the Century.” Magkakaron ito ng 17 estasyon na dadaan sa walong (8) lungsod sa Metro Manila. Inaasahan na makapagsasakay ito ng 500,000 kada araw.
Sa original na targeted completion ng MMSP, ito sana ay magiging operational noong 2021 subalit sa ngayon,ito ay may naitalang 16% physical progress lamang sa konstruksyon, ayon sa DOTr.
Kapag nagkaroon na ng partial operation sa taong 2028, inaasahang ang MMSP ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAI) kung saan ang travel time ay magiging 41 minuto na lamang.
Samantala, ang 147-kilometer na NSCR ay nagkakaron din ng pagkabalam dahil sa problema sa ROW lalo na sa lugar ng San Fernando sa Pampanga.
“We have problems in ROW in NSCR specifically in San Fernando, Pampanga but the works are still going on with the help of different government agencies,” saad ni Bautista.
Ang NSCR naman ay bumabagtas mula Calamba, Laguna hanggang Clark sa Pampanga. Mababawasan rin ang travel time sa pagitan ng nasabing dalawang lungsod kung saan ito ay magiging dalawang oras na lamang mula sa dating apat na oras.
Inaasahang makapagsasakay naman ito ng 800,000 na pasahero kada araw kapag naging full operational na ang NSCR.
Ayon sa DOTr, ang West Valenzuela-Clark segment ay siyang unang magbubukas kung saan inaasahang magkakaron ng operasyon sa taong 2028.
Ang Japan International Cooperation Agency (JICA), kung saan nanggaling ang ibang pondo ay nagsabing ginagawa na ang mga kailangan hakbang upang mapabilis ang completion ng project. LASACMAR
-
Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan
MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na […]
-
Naomi Osaka umatras sa paglalaro sa Wimbledon
NAGPASYA si Japanese tennis star Naomi Osaka na umatras sa paglalaro sa Wimbledon. Ito ay dahil sa iniinda niyang Achilles injury. Natamo niya ang nasabing injury noong Madrid Open na siyang dahilan ng hindi niya paglalaro sa WTA 100 tournaments sa Open. Sa kanyang social media ay nagpost ito […]
-
PDU3O, nakiisa sa mga Kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Ramadan ngayong buwan
“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, may peace, mercy and blessings be upon you all on the holy month of Ramadan” Ito ang naging pagbati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim na nagsimula nang magdiwang ngayon ng banal na buwan ng Ramadan. […]