Ruffa at KC, nag-abot sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagtulong ng ating mga artista at celebrities sa pagdu-donate ng relief goods sa mga lugar sa bansa na nasalanta ng tatlong bagyong dumaan.
Hardly hit ang mga Cagayanons sa Northern Luzon particularly ang Isabela, Cagayan at Tuguegarao.
Nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram ng kanilang relief operations, kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice, upon the invitation of her friend Pinky Tobiano and Mayor Luis “Chavit” Singson.
Prayer ni Ruffa, “in the midst of sorrow, we all heal as a nation, do the best we can to help our communities so that they can rebuild their lives, We are with you during these difficult times. Love and prayers.”
Nag-abot din doon sina Ruffa at KC Concepcion na may dala ring relief goods.
*****
ITINULOY pala ni Kapuso star Heart Evangelista ang kanyang Big Heart PH project, kaya marami ang mga students na naabutan na nila ng tulong na libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa Covid-19 pandemic.
Last July pa sinimulan ni Heart ang initiative na ito para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang kumunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.
Kaya muling nag-announce si Heart na may panibagong batch ng tablets na kanilang ipamimigay, “I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last November 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 tables with free data to more student in need of a device!
“Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry Mobile tablet along with free data!”
Simula naman sa Monday, November 23, after ng Descendants of the Sun PH sa GMA- 7, muling mapapanood ang My Korean Jagiya, partly shot in Seoul, Korea, na pinagtambalan nina Heart at South Korean ac- tor na si Alexander Lee.
*****
MATAGAL nang request ng mga fans nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela ng “The Clash Season 3,” na mag-duet sila bago magsimula ang contest proper last Sunday, November 15.
Pinagbigyan ng dalawa ang request ng mga fans kaya certified trending ang pag-awit nila ng “All I Want For Christmas Is You,” na binigyan nila ng jazz twist ang holiday song ni Mariah Carey.
Hindi lamang iyon, complete with flapper dresses ang mga suot nila, kaya say ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!”
Matatandaan na sina Rita at Julie Anne ay parehong product ng singing contest na “Popstar Kids” in 2005, Si Rita ang naging champion at runner-up naman si Julie Anne, pero ngayon ay pareho silang mahuhusay na singers ng GMA Network at mga hosts ng “The Clash Season 3,” na napapnod every Saturday, at 7:15PM at at every Sunday, 7:45PM. sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)
-
Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque
WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP). “Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man […]
-
Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na
NAGKITA na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga. Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit. Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]
-
Pfizer humingi na ng ’emergency use authorization’ para sa bakuna vs COVID
Inanunsyo ng kumpanyang Pfizer na nakatakda na silang magsumite ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine. Ayon sa CEO ng Pfizer na si Albert Bourla, ito ay matapos makakolekta na sila ng safety data na siyang requirement ng US Food and Drug Administration (FDA). Gayunman, hindi pa raw nito matiyak kung […]