Ryan Garcia: Target kong ma-knockout ang ‘hero’ kong si Pacquiao
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi umano mag-aatubili ang American boxer na si Ryan Garcia na i-knockout ang kanyang “hero” na si Sen. Manny Pacquiao kung sakaling matuloy ang pinapangarap nitong laban kontra sa Fighting Senator.
Ayon kay Garcia, kahit ano pa mang klase ng laban ang mapagkakasunduan nila ni Pacquiao ay kanya raw sisikapin na mapatumba ang Pinoy ring icon.
“The fight is going to be a fight. Whether they named it an exhibition or a real certified match, I’m throwing punches like I’m trying to knock Manny Pacquiao out,” wika ni Garcia.
Sa ngayon kasi ay hindi pa malinaw kung tunay na professional bout o isa lamang exhibition match ang nilulutong laban.
Sa usapin naman ng timbang, naghayag ng kahandaan si Garcia na umakyat ng weight division kung ito raw ang gugustuhin ni Pacquiao.
Inihayag din ng unbeaten lightweight champion na babasag daw ng record ang magiging laban nila ni Pacquiao.
Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig ng kampo ni Pacquiao tungkol sa isyu.
-
Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka
ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan. Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero […]
-
PBBM, desididong mamuhunan para sa pagpapaganda ng transport system sa bansa
DESIDIDO si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ituloy ang pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas. Sa Metro Manila Subway Project Launching Ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa. Mas marami aniya […]
-
3×3 tourney aprub sa PBA
INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk. Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito. […]