Sa 1st Manila International Film Festival: PIOLO, malakas ang bali-balitang mag-uuwi ng Best Actor award
- Published on February 3, 2024
- by @peoplesbalita
KASALUKUYANG nasa Amerika ngayon ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual.
Ito ay kaugnay sa first Manila International Film Festival na kung saan kasama ang pelikula niyang “Mallari” Malakas ang ugong-ugong na mukhang si Piolo raw ang mag uuwi ng best actor award.
Pero para sa mahusay na aktor ay sapat na raw sa kanya na masaksihan na tinangkilik ng mga tao na nasa Amerika ang mga pelikula nila na ipinalabas din sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Dagdag pa ni Piolo sa isang interview sa kanya bago siya umalis ay umaasa raw siya na kung gaano katagumpay ang MMFF ay ganun din ang MIFF. At base sa narinig namin, isa sa gumawa ng ingay sa MIFF ay ang pelikula nilang “Mallari”. Pasalamat na rin si Piolo sa lahat ng nagtulong-tulong at sumugal para sa naturang pelikula na kung saan isa sa producer ay ang family friend ng mag-asawang Vilma Santos at Finance Secretary Ralph Recto. At least nakabawi na ang producer nila at madagdagan pa ang kinita ng pelikula dahil sa Warner Bros. ang distributor sa abroad na tiyak na maraming lugar pa ang ma pupuntahan ng naturang pelikula.
***
KUNG may mga natuwa sa pagpapahayag ni Willie Revillame sa desisyon na papasukin na rin ang mundo ng pulitika, marami rin ang hindi sumang-ayon sa desisyon niya.
Kasama si Willie sa prayer rally ng mga Duterte na ginanap sa Davao at doon binanggit ng TV host ang intensiyon tumakbo na rin bilang senador sa 2025 Elections. Kumbaga kung sa last national elections ay tumanggi si Willie na mapabilang sa mga senatoriables ng Unity Team ngayon ay decided na raw siya na mapabilang sa binubuo ngayong partido ng mga Duterte, huh!
Pero aware naman si Willie na may taong malalapit sa kanya na tutol sa pagpasok niya sa pulitika at isa na rito ang nanay-nanayan ng lahat na si Cristy Fermin. Naglabasan din ang komento ng ilang taga showbiz na hindi raw nila isasama ang TV host sa ini-endorsong senador sa darating na local elections.
(JIMI C. ESCALA)
-
Ads October 12, 2020
-
StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba na-trauma nang ma-infect ng COVID-19
Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas-loob ang host ng GMA infotainment show Ang Pinaka na si Rovilson Fernandez na bumiyahe sa US para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Lumipad siya patungong San Jose, California last December 5 dahil naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya na magkakasama silang lahat tuwing Pasko. […]
-
Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd
PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa. Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi. Basta’t pananatilihin lamang ng […]