• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome

HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum.

 

 

 

 

Ang selebrasyon ng pasasalamat, na magtatampok ng mga malalaking pangalan sa larangan ng OPM na SB19, BINI, at Flow G, at espesyal na pagtatanghal mula sa SunKissed Lola, ay ipinagdiriwang ang natatanging milestone ng Puregold sa pagkakaroon ng 500 na tindahan sa ika-25 na taon nito.

 

 

 

 

Sa pamamagitan ng “Nasa Atin ang Panalo,” nais ipakita ng Puregold ang malaking pasasalamat nito sa mga masugid nitong mamimili, mga masisipag na empleyado, at ang patuloy na sumusuportang mga partners na malaki ang nagampanang papel sa pagkamit ng sariling panalong kwento ng kumpanya.

 

 

 

 

Mula sa pinakabagong announcement ng Puregold sa mga social media pages, ang star-studded “Nasa Ating ang Panalo” ay nakatakdang maging isang hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at purong kasayahan. Pinagtibay ito ng Puregold Price Club Inc. President na si Vincent Co na sa simula pa lamang ay layunin nilang ipakita na ang tema ng “Nasa Atin ang Panalo” ay higit pa sa pagiging simpleng concert.

 

 

 

 

“Gusto namin itong maging isang taos-pusong pagpupugay sa kwentong katapangan, pagbabago, at panalo ng mga Pilipino—-mga panalong kaugalian na mayroon ang ating mga concert artists na sana ay makapagbigay inspirasyon sa kanilang mga kapwa Pilipino,” Ani ni Co. “At kami ay natutuwang ibahagi ang mga batikang musikero na ito hindi lamang upang ipakita ang kanilang talento, at pasikatin ang lokal na musika, kundi bigyang-diin din ang mga kwento ng SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola sa pagtupad ng kani-kanilang mga pangarap.”

 

 

 

 

Ibinahagi rin ng Puregold kung bakit ang mga Pinoy musical artists na ito ang napili para sa event:

 

 

 

 

Naranasan ng P-Pop idols na SB19 ang isang roller-coaster journey, at ang pananatiling matibay upang mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa industriya ng musika.

 

 

 

 

Ang nabansagang “nation’s girl group” na BINI ay umaawit ng mga kantang tungkol sa nakakakilig na pag-ibig ng kabataan, kasiyahan, at empowerment. Pinapakita rin ng grupo ang patuloy na pag-unlad nito sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa iba’t ibang paraan.

 

 

 

 

Si Flow G na kinikilala bilang isa sa mga respetadong icon ng Pinoy rap ngayon ay dumaan at nalagpasan ang maraming pagsubok at hindi bumitaw sa kanyang mga pangarap at layunin na mapalawak ang hip-hop.

 

 

 

 

Ang minamahal na banda na SunKissed Lola na nagkaisa sa kanilang pagkahilig sa paglikha ng musika, ay ginawang realidad ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng kanilang walang-sawang pagmamahal sa kanilang sining.

 

 

 

Ipinapangako ng “Nasa Atin ang Panalo” concert ang isang gabing puno ng saya para sa mga A’Tins, Blooms, Dolores, at mga tagapaghanga ni Flow G. Asahan din ang mga sorpresang bisita sa concert na mapapaganda ng kabuuang karanasan ng mga pupunta.

 

 

 

 

Maaari ring asahan ng mga masugid na taga-suporta ng Puregold ang mga Tita at Ninang Zones, kung saan ang mga produkto at brands ay magbibigay ng karagdagang masasayang mga aktibidad.

 

 

 

 

Ang mga mga fans at followers ay maaari ring magpunta sa VIP na seksyon ng venue kung saan makikita ang pinakamagandang view; mga group photos sa loob ng coliseum kasama ang mga kapwa fans sa pagdiriwang ng gabing ito; at mga eksklusibong mga merchandise na magpapaalala sa gabing ito na magpapanatiling buhay sa mga alaala kahit matagal nang tapos ang event.

 

 

 

 

Dagdag pa rito, ang mga fans ay marami pang dapat abangan dahil sa patuloy na pagtutukso ng Puregold ng paglabas ng orihinal na musika kasama ang mga nangungunang musical artists na ito.

 

 

 

 

Pinaghahandaan ng Puregold ang concert sa pakikipagtutulungan kasama ang Wish 107.5, ang partnership na instrumental—-mula pa noong 2021—sa pagtuklas at pagtampok ng mga talento sa OPM. Ang partnership na ito ay sumasalamin sa isang ibinahaging pangako na itaguyod at paunlarin ang mga lokal na musikero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga plataporma na magiging daan upang sila ay mas makaabot ng malawak na mga tagapakinig.

 

 

 

 

Dahil nalalapit na ang “Nasa Atin ang Panalo,” hinihikayat ng Puregold ang mga mahilig sa OPM, sa musika, at maging mga customer ng Puregold na saksihan ang pagtatagpo ng talento, pag-aalab, at purong pagmamalaki sa pagka-Pilipino sa musical event na ito. Ang paraan upang makakuha ng ticket ay ipapahayag sa mga opisyal na mga channel ng Puregold sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

Manatiling nakatutok! Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube, tulad ng @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Intagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok para sa mga update.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Nagluluksa na naman ang OPM industry… DANNY ng APO Hiking Society, pumanaw na dahil sa kumplikasyon sa sakit

    NAGLULUKSA ngayon ang OPM industry dahil sa pagpanaw ng isa sa tinaguriang haligi ng OPM music na si Danny Javier ng trio na APO Hiking Society.     Ayon sa anak ni Javier na si Justin Javier Long, pumanaw ang 75-year old veteran musical artist dahil sa “complications due to his prolonged illnesses.”     […]

  • Disney and Marvel Releases Glorious New Poster of ‘Loki’

    DISNEY and Marvel released a new poster for the Loki set to arrive on Disney+ on June 11.   The series features Tom Hiddleston as the titular Norse god of mischief in a timeline created by the events of Avengers: Endgame.                                 Hiddleston is joined by Owen Wilson (playing Mobius), Sophia Di Martino, Gugu Mbatha-Raw, and Sasha Lane. Kate Herron (Sex […]

  • Umento sa suweldo ng mga guro inihirit

    ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress.     Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho […]