• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa dami ng bagyong tumama sa bansa… Quick Response Fund, nilimas ng Tropical cyclones

NALIMAS ang Quick Response Fund dahil sa tropical cyclones na tumama sa bansa.

 

”Ang QRF natin ang katotohanan diyan dahil sa dami ng bagyo ay naubos na. Kaya’t ang ginawa natin ay nagtabi ulit tayo ng pondo para mabigyan ulit, malagyan na naman natin ng laman ang QRF natin para sa mga local governments at sa inyong mga pangangailangan,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati Legazpi City, Albay.

 

Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024, ang gobyerno ay mayroong available na pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) at Quick Response Fund (QRF) para makapagbigay sa iba’t ibang disaster relief operations.

 

Sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), ang QRF ay pinaglaanan ng P7.925 billion. Sa nasabing halaga, P1 billion ang inilaan para sa Department of Agriculture – Office of the Secretary.

 

Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ang karagdagang pondo na maaaring gamitin ng Department of Finance ay ang unprogrammed funds, $500 million standby credit line, Rapid Response Option (RRO) facility, ilang contingent emergency response components mula sa World Bank, at post-disaster standby financing mula sa Japan.

 

“These additional funds will be immediately withdrawn and released once the national government decides to access them,” ayon kay Recto.

 

Samantala, nilinaw naman ng Department of Budget and Management (DBM) na ang tinutukoy ni Pangulong Marcos ay ang QRF replenishment.

 

”Under the 2024 GAA, the existing NDRRMF balance can still be used to replenish agency QRF (when agency QRF reaches 50%) to fund the immediate needs of disaster-stricken localities,” ang sinabi ng DBM.

 

”But with the limited NDRRMF balance, the DBM is looking to tap other sources of funds to support the continued relief and rehabilitation of vulnerable areas,”anito pa rin.

 

Tinuran pa ng departamento na ang ibang pondo na maaaring gamitin upang dagdagan at punan ang QRFs ay ang Contingent Fund, at available funds mula sa regular budget ng iba’t ibang departamento. (Daris Jose)

Other News
  • 300K leak pipes, naayos ng Maynilad

    Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007.     Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may  22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng […]

  • World’s fastest man na si Usain Bolt, kinapitan ng COVID-19

    Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medallist na si Usain Bolt.   Ayon sa health ministry ng Jamaica, posibleng nakuha raw ni Bolt ang COVID-19 ilang araw matapos idaos ang isang malaking party para sa kanyang ika-34 taong kaarawan kung saan wala raw suot na face mask ang […]

  • Ando pasok sa Olympics

    Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]