Sa direksyon ni Zig Dulay na naghatid ng ‘Firefly’: DENNIS, balik-MMFF din at bibida sa ‘Green Bones’ kasama si SOFIA
- Published on July 18, 2024
- by @peoplesbalita
MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na “Green Bones.”
Isa ang “Green Bones” sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF. Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso young actress na si Sofia Pablo.
Ito ay sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nasa likod ng Best Picture “Firefly” na mula rin sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Ang screenplay ng “Green Bones” ay mula kay National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice President Anj Atienza. Ang kuwento ay mula naman sa GMA Public Affairs Senior Program Manager na si JC Rubio.
Matatandaang umani ng papuri mula sa mga moviegoer at nag-uwi ng mga award sa loob at labas ng bansa ang “Firefly.”
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
-
Naomi Osaka hindi na tinapos ang Canadian Open dahil sa injury
NAPILITANG mag-withdraw sa Canadian Open si Japanese tennis star Naomi Osaka dahil sa back injury. Hawak ni Estonian tennis player Kaia Kanepi ang kalamangan 7-6(4), 3-0, sa opening game ng mapilitang itigil ni Osaka ang laro dahil sa hindi na nito matiis ang sakit mula sa injury. Nilapatan pa ito ng […]
-
PCO, mga dambuhalang social media company pinaigting ang digital defense kontra fake news
SANIB-PUWERSA ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga higanteng social media company sa Pilipinas sa paglaban sa “misinformation at disinformation.” Binigyang diin ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa pagtitipon na may katawagan na UniComm 2024 sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Maynila ang pangangailangan na ‘wakasan na” ang “misinformation […]
-
Ads September 10, 2021