Sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression: PBBM, nais na ipre-position na ng mga pribadong kontratista, na may kontrata sa national government ang kanilang assets
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipre-position na ng mga private contractor, na may kontrata sa national government ang kanilang assets sa gitna ng bagyong Nika at isang papasok na tropical depression.
”Maliwanag sa Pangulo ang kanyang instruction at inuulit niya ito sa mga government agencies na ang bago ngayon ‘yung mga private contractors, ‘yung mga trucks nila, ‘yung mga makinarya nila, ‘yung mga private contractors na may kontrata sa gobyerno, DOTr [Department of Transportation], DPWH [Department of Public Works and Highways], dapat naka-pre-position na,” ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez.
Sinabi ni Chavez na inatasan din ng Office of the President (OP) Department of the Interior and Local Government na kung ang Office of the President ay wala pang anunsyo sa ‘work at class suspension’, ang DILG ay maaaring magpalabas ng direktiba para sa local government units.
Pagdating naman aniya sa budget para sa relief efforts, sinabi ni Chavez na nagbigay na ng katiyakan ang Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo para sa tropical cyclones na inaasahan na tatama sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.
Nauna rito, tuluyan nang naging typhoon ang bagyong Nika at ito ay patuloy pa ring lumalakas habang papalapit sa boundary ng Isabela at Aurora.
Ayon sa 8 a.m. report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong umaga, November 11, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Isabela o northern Aurora.
Huli itong namataan sa layong 100 kilometers silangan ng Casiguran Aurora.
Taglay nito ang lakas na hanging 130 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 180 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, ang weather disturbance ay posibleng lumabas ng ating bansa bukas, November 12.
Bilang nag-intensify ang bagyo, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa malaking bahagi ng Luzon.
Kabilang na riyan ang northernmost portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran), central and southern portions of Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, San Agustin), Kalinga, Mountain Province, northern portion of Ifugao (Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, Lagawe), central and southern portion of Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Luba, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Tubo, Danglas, Villaviciosa, La Paz, Licuan-Baay, Pilar, Malibcong, Pe, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub), at ang northern and central portions of Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Santa Maria, Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Nagbukel, San Ildefonso, City of Vigan, Caoayan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Narvacan, Quirino, Cervantes, Sigay, Salcedo, Santa Lucia, City of Candon, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Santa Cruz).
Nasa Signal No. 3 naman ang central portion of Aurora (Dinalungan), northern portion of Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Maddela), northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong), nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion of Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, Piat), the rest of Abra, the rest of Ifugao, northern portion of Benguet (Buguias, Mankayan, Bakun), southern portion of Ilocos Norte (Laoag City, Sarrat, San Nicolas, Piddig, Marcos, Nueva Era, Dingras, Bacarra, Solsona, Paoay, Currimao, Pinili, Badoc, City of Batac, Banna), at ang natitirang lugar sa Ilocos Sur.
May Signal no. 2 rin sa ilang bahagi ng Luzon at kasama na riyan ang northwestern and eastern portions of Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga), the rest of Nueva Vizcaya, the rest of Quirino, the rest of Apayao, the rest of Benguet, the rest of Ilocos Norte, La Union, the northeastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug), central portion of Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler), at northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Signal No. 1 naman ang Metro Manila, Rizal, Babuyan Islands, the rest of mainland Cagayan, the rest of Pangasinan, the rest of Aurora, the rest of Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern and central portions of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso), eastern portion of Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Pila), northern and eastern portions of Quezon (Infanta, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, Perez, Real, General Nakar, Calauag) kasama na ang isla ng Polillo, at ang northwestern portion of Camarines Norte (Capalonga, Santa Elena, Vinzons, Labo, Paracale, San Vicente, Talisay, Daet, Jose Panganiban). (Daris Jose)
-
Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI
SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson. “Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin […]
-
Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo
Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events. […]
-
OVP, dinepensahan ang confidential expenses, good governance fund
DINEPENSAHAN ng Office of the Vice-President (OVP) ang confidential expenses at good governance funds sa ilalim ng 2023 budget proposal. Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Reynold Munsayac na ang P2.2-billion good governance fund ay inilaan para sa public assistance, gaya ng basic social services, medical at burial assistance, “Libreng […]