• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’… Direk CARLO, pararangalan kasama ang limang movie icons

LIMANG movie icon at isang premyadong director-producer ang pararangalan sa gaganaping 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Tuloy na tuloy na ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Ang awards night ng The EDDYS ngayong taon ay magkakaroon din ng delayed telecast sa ALLTV. Ang eksaktong petsa ng pagpapalabas nito ay ihahayag sa mga susunod na araw.

Bukod sa mga acting at technical awards, isa sa mga magiging highlight ng 7th The EDDYS ay ang pagbibigay-parangal sa mga tinitingala at nirerespetong mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.
Ang Movie Icon Awards naman ng The EDDYS ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon at patuloy nilang paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Pilipino.
Mapa-komedya o drama, hindi magpapatalo riyan ang premyadong aktres na si Nova Villa na nakagawa na ng mahigit 150 pelikula sa loob ng mahigit anim na dekada. Bukod sa acting awards, recipient din siya ng “Pro Ecclesia et Pontifice medal” mula kay Pope Francis.
Ilan sa mga hindi malilimutang proyektong nagawa niya sa telebisyon at pelikula ay ang “Chicks to Chicks/Chika Chika Chicks” (1979-1991), “Home Along Da Riles” (1992-2003), at “Pepito Manaloto” (2012-present), “Payaso” (1986), “1st Ko si 3rd” (2014), at “Miss Granny” (2018).
Isa namang actor, comedian at director si Leo Martinez na napanood sa mga pelikulang “On the Job 2: The Missing 8” (2021), “Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue” (1991), at “Up from the D
epths” (1979). Naging Director General din siya ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Nakilala ang actor-public servant na si Lito Lapid bilang isa sa mga pambatong action stars ng Philippine Cinema. Ilan sa mga iconic movies na pinagbidahan niya ay ang “Leon Guerrero” (1968-1981) at “Da Best in da West” (1984-1996), “Kastilyong Buhangin” (1980), “Hari ng Gatilyo” (1985), “Lapu-Lapu” (2002), at ang huli nga ay ang obra ni Brillante Mendoza na “Apag” (2022).

Nagsimula naman ang showbiz career ni Eva Darren noong 1960s at nanalo ng dalawang Best Supporting Actress award para sa pelikulang “Ang Pulubi” (1969). Nominado rin siya sa kaparehong kategorya para sa “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” (1997). Ilan naman sa mga nagawa niyang teleserye ay ang “Pangako Sa ‘Yo” (2000), “Sineserye Presents: Patayin Sa Sindak si Barbara” (2008), “Mula Sa Puso” (1997) at “Kadenang Ginto” (2018).
Bata pa lang ay nakitaan na ng galing sa pag-arte si Gina Alajar na nagsimula bilang child star noong 1967 at mula noon ay kinilala na siya bilang isa sa pinakamagagaling na aktres sa local showbiz at nakapag-uwi na rin ng napakaraming acting awards.
Ilan sa mga premyadong pelikulang nagawa niya ay ang “Manila By Night” at “Brutal” na parehong ipinalabas noong 1980.
Taong 2000 naman nang magsimula siyang magdirek – nakagawa siya ng apat na episode ng “Shake, Rattle, & Roll” at 12 dosenang TV show.
Ang taunang The EDDYS, na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Hindi na ‘pichi-pichi’ ang mga kalaban sa SEAG- Barrios

    NAKITA sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na hindi na basta-basta ang mga kalaban ng Gilas Pilipinas.     Yumukod ang mga Pinoy cagers sa Indonesia, 81-85, sa gold medal round ng Vietnam SEA Games kung saan nagwakas ang 13 sunod na paghahari ng Pilipinas at ang 33 taong pagdomina sa biennial event.     […]

  • 6 nalambat sa P387K shabu sa Navotas

    KALABOSO ang anim na drug suspects, kabilang ang dalawang high value individual (HVI) ang matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu makaraang matiklo sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.       Ayon kay Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt. Col. Renato Castillo, dakong alas-10 ng gabi […]

  • COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING

    MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 .     Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite.     “That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng […]