• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… AGA, RICHARD, at GABBY, kasama sa walong movie icons na pararangalan

WALONG tinitingala at itinuturing nang haligi ng entertainment industry ang gagawaran ng espesyal na pagkilala sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023.

 

Bibigyang-pugay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga napiling Icon awardees sa industriya ng pelikulang Filipino.

 

Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion at Niño Muhlach. Kasama rin sa mga parar

 

angalan bilang EDDYS Icons sa The 6th EDDYS sina Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.
Samantala, kabilang sa mga bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Rosa Rosal, Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

 

Igagawad naman sa The 6th EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo. Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

 

Samantala, ang napiling Producer of the Year naman ay ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year naman ay igagawad sa MavX Productions. Kamakailan ay inihayag na ng SPEEd ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

 

Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 na pinamumunuan ng Presidente nitong si Caesar Vallejos, sa Oct 28, 2023.

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa The 6th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Oplan Biyaheng Ayos’ ikinakasa ng PITX, para sa Semana Santa

    NAGHAHANDA na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng mahigit 1.2 milyong pasahero na inaasahang dadagsa ngayong Semana Santa.     “The expectation of more than a million passengers stemmed from the observation that passengers will travel earlier to avoid the holy week exodus within the metro, with this, […]

  • Poland, pinagtibay ang suporta para sa defense cooperation sa Pinas, pinanindigan ang int’l law

    SA pagdiriwang ng National Day ng Republic of Poland, muling inulit ng Embassy of Poland sa Pilipinas ang commitment ng Polish government na palakasin ang defense cooperation, panindigan ang rules-based order, at bigyang-diin ang kahalagahan ng international law sa loob ng rehiyon.   Sa pagsasalita sa naturang event, sinabi ni Anna Krzak-Danel, Chargeé d’Affaires a.i. […]

  • DepEd at DSWD, bumida sa pangatlong cabinet meeting ni PBBM

    UMABOT na sa pangatlong cabinet meeting ang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.     Tinalakay ng Department of Education ang kanilang  Priority Programs and Projects para sa Basic Education habang ipinrisinta naman ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang sariling  Programs and Projects para sa Social Welfare.     Nagbigay […]