Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon.
Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal noong Lunes sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.
“Earning the Seal of Good Local Governance six times is proof that we can achieve the highest standards of public service as long as we work together and remain united. We are deeply honored and humbled by this recognition, as well as the trust and confidence our people have placed in our leadership,” ani Tiangco.
“Ang karangalang ito ay alay natin sa bawat Navoteño na naging katuwang namin sa pagbuo ng isang maunlad at masayang Navotas,” dagdag niya.
Ang SGLG ay isang institutionalized award, incentive, at recognition-based program ng pambansang pamahalaan na naglalayong itaas ang kultura ng mabuting pamamahala.
Ang mga tatanggap ng seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.
Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Ang Navotas ay nakatanggap din ng SGLG noong 2015, 2017, 2019, 2022, at 2023 mula sa DILG. (Richard Mesa)
-
2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19. Batay sa ulat […]
-
Ads April 26, 2023
-
LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs
May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa. Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro. […]