• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa isang nakadudurog sa puso na episode: SANYA, pinuri ng maraming netizen dahil sa mahusay na pagganap

MULA sa pagiging hardcourt heartthrob ay nag-full time na sa kanyang showbiz career si Prince Carlos.

 

After ma-launch bilang isa sa Boys of Summer ng Sparkle, sunud-sunod ang projects ng future Kapuso leading man.

 

Kabilang sa mga ginagawa ni Prince ay ang isang special episode with Roxie Smith para sa 3rd anniversary ng Regal Studio Presents titled “Remboy Dreamboy. ”

 

Naging suki na raw si Prince sa paglabas sa Regal Studio Presents, kaya masaya itong nakasama sa special episode para sa anniversary nito.

 

“I was still studying and playing basketball nung kinukuha nila ako mag-guest. Kaya parang extended family ko na sila sa showbiz like GMA. Ngayon full time na tayo sa showbiz, I will do my best parati,” sey ng former NCAA player from De La Salle-College of Saint Benilde.

 

Kasama rin si Prince sa upcoming afternoon teleserye na Mommy Dearest. Sa suspense-drama thriller na ito, makakatambal niya si Shayne Sava.

 

“Big opportunity for me to work again with Shayne and with these respected veteran stars. Marami po ako matutunan sa kanila.”

 

Kasama rin sa Mommy Dearest sina Camille Prats, Katrina Halili, Dion Ignacio, Amy Austria, Winwyn Marquez, Mel Martinez, Riel Lomadilla at Viveika Ravanes, sa ilalim ng direksyon ni Ms. Gina Alajar.

 

***

 

PINURI si Sanya Lopez ng maraming netizen dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Teresita sa ‘Pulang Araw.’

 

Sa isang nakadudurog sa puso na episode, nasaksihan ni Teresita ang sinasapit ng mga kapwa niya Pilipina na ginawang comfort women ng mga mapang-abusong mga Hapones.

 

Pinaghandaan daw ni Sanya ng husto ang kanyang sarili para sa mabigat na eksena kunsaan magiging comfort woman din siya.

 

“Yung pinaka-challenging talaga sa akin, paano ko maipaparamdam ‘yung character ko, ‘yung mga pinagdaanan ng mga comfort women. Hindi dahil gusto ko iparamdam sa inyo, kung hindi para mas maintindihan natin sila, mas maunawaan natin sila at mas irespeto natin ‘yung mga kababaihan.“

 

***

 

SA pamamagitan ng two-part documentary na “Karma: A Daughter’s Joruney,” siniwalat ng 26-year old daughter ng convicted R&B singer R. Kelly na si Buku Abi na inabuso siya sexually ng kanyang sariling ama nung 8 years old siya.

 

Ayon kay Buku: “For a long time, I didn’t even want to believe that it happened. I didn’t know that even if he was a bad person that he would do something to me. I was too scared to tell anybody.

 

After I told my mom (Drea Kelly), I didn’t go over there anymore. Even up until now, I struggle with it a lot.”

 

Kahit na nung mag-file ang ina ni Buku ng complaint laban kay Kelly, walang nangyari dahil itinanggi ito ng singer.

 

Kaya laking tuwa ng mag-ina nung ma-convict si Kelly noong 2019 para makulong for 20 years for child pornography and sex trafficking.

 

Nakilala si R. Kelly dahil sa 1996 hit song niyang “I Believe I Can Fly. ”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Matapos umani ng pauri sa acting sa ‘The Influencer’: SEAN, napiling bida sa ‘Fall Guy’ at ipalalabas sa international filmfest

    ANG swerte naman ni Sean De Guzman.     Matapos umani ng papuri sa acting sa huling movie niya na ‘The Influencer’, nakatakdang mag-premiere sa isang prestigious international filmfest sa Europe ang latest movie niya titled ‘Fall Guy.’   May second invite na ang ‘Fall Guy’ sa isang prestigious film festival sa Asia.     […]

  • Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na

    APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code.       Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation […]

  • Mga LGU hinikayat na hakutin ang mga mamamayan para mabakunahan

    Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19.     Sa kanyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran.     Umapela rin […]