Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.
May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! Importante na hindi binabarahan ang mga kanto sa mga kalye. Pero lagi na lang natin nakikita na ang mga kanto ang syang madalas lapastanganin ng mga pasaway na drivers at pasahero. Isama na dito ang mga illegal na vendors. Halimbawa, sa kanto ng Katipunan Ave. at Aurora Blvd. patungong Marcos highway.
Napakalaki na ng karatulang “no loading and unloading” sa kanto at naglagay na ng mahabang island ang MMDA pero doon pa rin nag-aabang ng masasakyan ang mga pasahero.
Kaya tuloy ang mga pasaherong jeep mag-me-menor at babagal ang takbo kapag malapit na sa kanto at yun na ang dahilan ng traffic congestion sa area. Mabuti at pinagtityagaan ng mga tauhan at kawani ng Task Force ng QC na itama naman ang sityasyon at igiya ang mga pasahero sa tamang sakayan.
Ginagawa ring illegal terminal ang mga kanto kaya bumabara sa ibang motorista at nagkakaroon pa ng mga illegal na vendors. Isa sa mga problema sa lansangan ay ang hindi pagsunod sa loading and unloading zone.
Gusto kasi ng pasahero ay sa tapat na tapat mismo ng kanilang destinasyon ang baba nila. At kapag hindi ginawa ni mamang driver at lumampas na konti ay halos may away agad na mamamagitan. Ang disiplina sa lansangan ay hindi lang para sa mga driver kundi sa mga motorista at mga pasahero rin – sa tamang sakayan at babaan lang.
At sa tamang tawiran lang. Sanhi ng matinding traffic ang hindi pagsunod ng mga tao sa batas sa batas trapiko. Kailangan din maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa “jaywalking”.
Nababastos ang mga simpleng batas trapiko at tila wala nang sumusunod. Sana ang simpleng pagsunod sa ‘no loading and unloading zones’ ay mapairal ng mahigpit sa ating mga lansangan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Ads August 23, 2022
-
Bentahan ng PNP uniforms, hihigpitan
PINAHIHIGPITAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang bentahan ng mga police uniforms kasunod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang escorts nito ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform, nitong Linggo. Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police […]
-
‘McGregor, nais kong unahin sa 2021 ring comeback’ – Pacquiao
Inamin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na si UFC superstar Conor McGregor ang una nitong gustong makalaban sa oras na magbalik na ito sa boxing ring sa susunod na taon. Ayon kay Pacquiao, nais niya raw maranasan na makaharap sa ibabaw ng boxing ring ang isang MMA fighter. Nilinaw naman ng […]