• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kanyang first movie na musical pa: CASSY, aminadong sobrang na-challenge sa mabibigat na eksena

SI Cassy Legaspi na gumanap bilang si Ingrid, na biktima ng sexual harassment ng kanyang male teacher sa ‘Ako Si Ninoy’, ang pelikula ni direk Vince Tañada na mula sa Philstagers Films.

 

 

Tinanong namin si Cassy kung ano ang masasabi niya na sa maagang stage ng kanyang career at una niyang pelikula ay sumabak na siya sa paggawa ng isang pelikulang may seryosong tema at masasabing “mabigat” dahil tumatalakay sa kasaysayan ng Pilipinas?

 

 

“Well kasi in my career, I’m used to commercial acting, yung cute lang, so you know, quite challenging po, and it’s also my first movie, my first movie ever, tapos musical pa siya, so first musical ko rin.

 

 

“It’s also siguro medyo heavy drama yung film, kaya there’s many first in this movie for me, although, yeah it’s challenging but I really had fun coz I know na, iyon nga, like what they say, as an actor you have to level up, so instead of sticking to your usual acting ko na you know, cutesy-cutesy, iyon nga naging seryoso ako sa film na ‘to so I hope na the people will get to appreciate coz I was very, very challenged dito,” seryosong pahayag ni Cassy.

 

 

Sa ‘First Yaya’ at sa ‘First Lady’ nabuo ang loveteam nina Cassy at Joaquin Domagoso nguni’t hindi sinasadyang nabuwag na iyon dahil nga isa ng ama si Joaquin ngayon sa partner nitong si Raffa Castro.

 

 

Kaya tinanong namin si Cassy kung mas gusto ba niya na may ka-loveteam siya or solo siya?

 

 

“Hmmm,” ang tumatawang unang reaksyon ng Sparkle actress sa tanong namin, “actually anything po. I’m very open to doing anything pero sana po for now, I want to get paired with other people or actually mas okay rin po yung solo

 

 

“As of right now po, I’m checking for myself kung ano talaga ang gusto kong gawin, what type of roles I’m into so ayun, very open-minded po. Wow,” at muling tumawa si Cassy.

 

 

***

 

 

BILANG si Nerissa ay isang masunurin na anak ang papel ni Therese Malvar sa ‘Oras De Peligro’.

 

 

“Bilang sinabi ng nanay ko na huwag mag-rally, natakot po ako dun at sumusunod po ako dun pero once na na-realize ko at na-realize namin na parang mali yung tumahimik pa, sa huli lalaban po kami,” umpisang kuwento sa amin ni Therese.

 

 

Gaganap sa pelikula bilang mga magulang ni Therese sina Cherry Pie Picache bilang si Beatrice at Allen Dizon bilang Dario.

 

 

Napadako ang usapan namin ni Therese sa kaibigan niyang si Barbara Miguel na wala na sa pangangalaga ng Sparkle o GMA.

 

 

Sa launch ni Barbara at iba pang artists sa ilalim ng Marikit Artist Management ay may nagtanong kay Barbara kung dahil ba kay Therese kaya umalis siya sa management ng GMA at Sparkle.

 

 

“Sobrang tawang-tawa po kami. Na, ‘Ha? Paano’ng nangyari iyon?’

 

 

“Anyway, ako honestly I’m really happy for her where she is right now, as long as she’s happy, she’s receiving projects that she wants always at talagang naipapakita at nakikita ng mga tao ang galing ng isang Barbara Miguel, happy na po ako doon.

 

 

Kung saan man siya.”

 

 

Bukod sa magkaibigan ay sina Therese at Barbara ang maituturing na magkakontemporaryo sa showbiz na sa murang edad ay may mga acting awards na.

 

 

Pero ayon kay Therese ay hindi niya itinuturing na rival si Barbara.

 

 

“I would say, sa sobrang alike po namin hindi ko siya tinitingnan as competitor kundi ano, kapatid talaga na parang ito yung na-receive ko, ikaw may na-receive ka na ikaw lang rin and proud na proud ako dun.”

 

 

Mapapanood si Therese ngayong gabi sa ‘Magpakailanman’ pinamagatang Bayad Utang, gaganap siya bilang si Sally at si Jaclyn Jose bilang si Andeng, at sina Dennis Padilla bilang si Monching at si Sparkle male star Larkin Castor bilang si Noy sa direksyon ni Neal del Rosario.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”

    Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]

  • “DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21

    DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21.      Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices.   Catch these […]

  • Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair

    TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural.     Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]