Sa kanyang pagbabalik sa GMA Primetime… KYLIE, ramdam na mas proud kesa ma-pressure sa ‘Bolera’
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK-PRIMETIME ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.
At more than napi-pressure raw, mas sobrang proud daw ang nararamdaman niya sa kanyang comeback, ang Bolera.
Sey ni Kylie, “Sobrang proud kasi talaga ako sa serye na ito. It’s subject is good, even more no’ng pinapanood ko na siya. Sobrang saya ng set. I fell in-love with everybody and I’m so happy na ito ang naging comeback show ko.”
Sa totoong buhay, hindi raw naglalaro ng billard si Kylie. Pero tingin niya, nakatulong din ang martial arts skills niya bukod sa talagang nag-training daw siya sa laro.
“Noong pinapanood ko naman, ang ganda. I’m thankful to everyone for helping me. I’m just so proud of this show talaga.”
Kaya nang tanungin namin siya kung may pressure nga na muli siyang nagbabalik sa primetime, sey niya, “actually hindi masyado kasi alam ko na maganda ang show namin, ha ha ha!
“Alam ko sa sarili ko na maganda ‘to. ‘Yung una lang siguro ang pressure, yung first lock in dahil hindi ko pa gamay. But now, I’m so confident na maganda ang show namin kaya no pressure at all.”
Ang Bolera ay magsisimula ng mapanood sa May 30, after ng First Lady at 8:30 pm. Makakatambal ni Kylie rito sina Jak Roberto at Rayver Cruz. Sa direksiyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.
***
ANG isa sa tunay na pamangkin ng Movie Queen na si Susan Roces na si Sheryl Cruz ay alam naming isa rin sa mga nakasama ng namayapang actress ilang oras bago ito bawian ng buhay sa hospital.
Mula sa isang source, iyak daw talaga nang iyak si Sheryl nang malaman nito ilang oras pa bago tuluyang pumanaw ang kanyang tiyahin. Kung matatandaan, nagkaroon din ng isyu dahil sa pulitika ang relasyon ni Sheryl sa mag-inang Susan at Senator Grace Poe.
Pero obviously, nagka-ayos din sila. Madalas din daw na padalhan ni Manang Inday si Sheryl ng mga pagkain.
Sa isang banda, mukhang prinocess pa ni Sheryl ng ilang araw ang pagkawala ng tiyahin bago ito nakapag-post sa kanyang Instagram account ng kanyang tribute.
Sabi nga niya, since open naman sa lahat na matagal nang nasa America ang ina ni Sheryl at kapatid ni Manang Inday na si Rosemarie Sonora, ang aktres na ang halos nagpalaki sa kanya.
“It never occurred to me that I might be here one day, talking about my Mama Inday instead of being with her. Mama Inday was unbelievably compassionate. Her heart and her generosity knew no bounds. Her door was always open—(literally).
“You could just walk in and people ofen did. That’s how big her heart was. I am who I am today because of her, she raised me as she was my mom. To be able to kiss and hug her again would be th greatest miracle in the world.
“Death leaves a heartache no one can heal, but love leaves a memory no one can steal. Her life was a well-lived blessing, and her memory will always be out treasure. I love you Mama Inday.”
(ROSE GARCIA)
-
Duterte binigyan na si Avisado ng otoridad para sa release ng Bayanihan 2 funds
KINUMPIRMA ng Malacañang na binigyan na ng delegated authority ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Sec. Wendel Avisado na ilabas na ang P51 billion pondo sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mailalabas ang pondo ngayong araw at hindi na ito dadaan sa Office of the […]
-
LTO: Local traffic enforcers, hindipuwedengkumpiskahin ang drivers’ licenses
PINURI ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong memorandum na inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga lokal na traffic enforcers na kumpiskahin ang mga drivers’ licenses ng mga lumabag sa batas trapiko. Diniin ng DILG na ang may kapangyarihan lamang nakumpiskahin ang mga drivers’ […]
-
Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din
Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2. Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna. Kabilang […]