• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa makasaysayang 2024 Paris Olympics… Carlos Yulo nasungkit ang gintong medalya sa floor exercise

NASUNGKIT ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics.

 

 

 

 

 

Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas.

 

 

 

Inangkin ng 24-anyos na tubong Leveriza, Manila ang ginto mula sa nahakot na 15.000 points sa paborito niyang men’s artistic gymnastics floor exercise event Sabado, Aug. 3 sa 2024 Olympics sa Bercy Arena sa Paris, France.

 

 

 

Matapos opisyal na ideklara na siya ang nagwagi ay bumuhos na ang luha ni Yulo at napaupo sa sahig.

 

 

 

Tinalo ni Yulo para sa gold medal sina Artem Dolgopyat (14.966 points) ng Israel at Jake Jarman (14.933 points) ng Great Britain.

 

 

 

Nauna nang naglista si Yulo ng 14.766 points sa qualification ng nasabing event matapos magposte ng 14.333 points sa nakaraang all-around finals kung saan siya nabigong makakuha ng medalya.
Sa 2021 Tokyo Games ginawa ni Yulo ang kanyang Olympic debut.

 

 

 

Ngunit dahil sa kakulangan sa eksperyensa ay tumapos si Yulo bilang No. 44 sa individual all-around at nabigong mag-qualify sa floor exercise.

 

 

 

Nakatakda pa siyang sumabak sa vault finals kagabi Linggo,kung saan maaari siyang maging kauna-una¬hang Pinoy athlete na nanalo ng dalawang Olympic gold.

 

 

 

Ito na ang pangalawang ginto sa kasaysayan ng bansa matapos na unang masungkit ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa weightlifting competition noong 2020 Tokyo Olympics. (Daris Jose)

Other News
  • Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour

    Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour.     Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic.     Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]

  • Pingris pasok sa Gilas coaching staff

    BALIK GILAS Pilipinas si Marc Pingris para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Subalit hindi bilang player kundi bahagi ng coaching staff.     Mismong ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang nagkumpirma na makakasama ni Gilas Pilipinas head […]

  • Basketball rings sa QC, pinagbabaklas

    DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.   “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]