• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa mga taong ginawan siya ng mali: HEART, kahit naka-move on na ‘di pa rin ready magpatawad

HINDI napigilan ni Heart Evangelista na maging emotional sa kanyang latest unscripted, documentary-style “I Am Heart” vlog na kinunan noong 2023 sa photo shoot niya sa Indonesia at Singapore.

 

 

 

Napag-usapan sa vlog ang pag-please ni Heart sa mga taong katrabaho niya.

 

 

 

“I’m only human. Like, I’m really tired. When I get problems, like even personal problems, I couldn’t even be in a bad mood because they would make me feel like… that I’m so toxic.

 

 

 

“Mas bubbly ako before kasi fina-fight ko yung mga personal problems ko,” sey ni Heart na ang tinutukoy ay ang mga taong ginawan siya ng mali sa gitna ng kanyang maayos na pakikisama.

 

 

 

Dagdag pa niya: “I know they’re gone. But it’s how they paint you, like you’re such a bad person. Parang you have to be extra perfect to people around you. It’s about like… they really destroyed my inner joy. Parang dinumihan nila yung part nung area kung san ako nagtatrabaho, nandiyan sila.”

 

 

 

Kahit na naka-move on na si Heart, hindi pa rin daw siya ready na patawarin ang mga taong ito.

 

 

 

“I don’t wanna be bad. Like, I’m not a bad person. You know what I mean? It’s not anymore about them and what they do now. It’s the damage that’s still there.”

 

 

 

Anyway, patuloy pa rin ang pagrampa ni Heart sa Paris kunsaan um-attend siya ng Fendi fashion show at naging front row seatmate niya si Ming ng K-pop girl group na TWICE.

 

 

 

***

 

 

 

SUMIKAT ang tambalan noon nina Roderick Paulate at Carmi Martin, at nagkaroon pa sila ng musical-variety show na ‘Tonight With Dick & Carmi’ noong 1988 hanggang 1991.

 

 

 

May pagkakataon kayang nahulog ang loob nila sa isa’t isa?

 

 

 

“Kasi noong panahon namin nakita ko ‘yung mga nakaaligid kay Carmi, mga mestizo eh. Ako naman magaling naman akong makiramdam. Sa nakita ko parang hindi ata ako puwede pumasok diyan. Be realistic. Alam ko naman kung saan ako pupuwesto,” biro ni Roderick.

 

 

 

Hanggang ngayon, napanatili nila ang kanilang pagiging mabuting magkaibigan.

 

 

 

Bahagi naman si Carmi sa cast ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kasama sina Sen. Bong Revilla, Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Max Collins, Kelvin Miranda, Nikki Co, Liezel Lopez, Maey Bautista at iba pa.

 

 

 

***

 

 

 

ANG lakas maka-throwback ang Netflix docu na ‘The Greatest Night in Pop’ na tungkol sa pagbuo ng 1985 hit charity single na “We Are The World” ng USA For Africa sa isang gabi lamang.

 

 

 

Sa isang recording studio in Hollywood naganap ang session na kinabilangan ng biggest singers noong panahon na iyon tulad nila Lionel Richie, Diana Ross, Billy Joel, Bruce Springsteen, Dionne Warwick, Steve Perry, Bette Midler, Willie Nelson at marami pang iba. Nagsimula sila ng ala-una ng madaling-araw at natapos ng alas-ocho ng umaga.

 

 

 

Nakalulungkot lang dahil pumanaw na ang ibang singers ng “We Are The World” tulad nila Michael Jackson, Tina Turner, Kenny Rogers, James Ingram, Al Jarreau, Harry Belafonte at June and Ruth Pointer ng The Pointer Sisters.

 

 

 

Maraming behind-the-scenes na pinakita sa docu tulad ng pagiging lasing ni Al Jarreau, ang pag-snub ni Prince sa session, ang pag-walkout ni Waylon Jennings at ang paghubad ni Cyndi Lauper ng kanyang accessories dahil nakaka-interfere sa recording.

 

 

 

Naging big hit ang “We Are The World” sa buong mundo at higit na 20 million copies ang nabenta. At naging 9th best selling physical single of all time. Nanalo pa ito ng 4 Grammy Awards including Record of the Year in 1986.

 

Naka-raise ang single ng $63 million ($168 million today) para sa humanitarian aid in Africa and the United States.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Director James Wan Reveals Official Title & New Logo: ‘Aquaman And The Lost Kingdom’

    DIRECTOR James Wan revealed the official title for the upcoming Aquaman sequel is Aquaman and the Lost Kingdom.     DC’s aquatic hero used to be an easy mark for jokes in pop culture, but that all changed once Jason Momoa was cast as Arthur Curry for the DC Extended Universe.     His roles in Batman […]

  • P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

    Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.     Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.     Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang […]

  • Bukod sa big-budgeted movie na ‘Firefly’: DINGDONG, balitang may gagawin din sa Star Cinema kasama si MARIAN

    MAGIGING busy na nga ba ngayon ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?       Unang nag-post sa Instagram si Marian ng “Hello flower lovers!  It’s Marian  of Flora Vida, and I’ve got exciting news for you.  Out new color is blooming, and it’s the rich and sultry maroon!  Plus, we’re […]