• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding

ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana.

 

 

 

Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal.

 

 

 

“As the countdown to our big day @timmyllana begins, I’m feeling a mix of emotions – excitement, happiness, and a little bit of nerves. But most of all, I’m grateful to be marrying the person who fills my heart with love and joy!” caption pa ni Maxine sa isang post sa Instagram.

 

 

 

Na-check off na ng ‘Magandang Dilag’ star ang prenuptial shoot nila na kinunan pa sa Vigan City, Ilocos Sur.

 

 

 

Sa naturang shoot, suot ni Maxine ay body-hugging dress na may pink balloon sleeves and pearl embellishments na gawa ng designer na si Francis Libiran.

 

 

 

Kinunan sila ni Timmy habang naglalakad sa pamosong Calle Crisologo at sa loob ng isang ancestral house.

 

 

 

“Can’t wait to see what the future holds for us my love @timmyllana,” caption ni Maxine sa pinost niyang prenup photos on IG.

 

 

 

Dalawang wedding dates ang magaganap sa October para kina Maxine at Timmy. Una ay isang beach wedding at susunod ang formal church wedding.

 

 

 

***

 

 

 

BALIK sa paggawa si Katrina Halili ng teleserye at kasama siya sa malaking cast ng ‘Rider’ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

 

 

 

Huling ginawa ni Katrina ang teleserye na ‘Unica Hija’ at noong matapos ito ay umuwi siya ng Palawan para maasikaso ang negosyo niya roon at para rin makapagpahinga kasama ang kanyang anak na si Katy.

 

 

 

Ngayon at may bago na ulit siyang show, muling nag-a-adjust si Katrina dahil mapapasabak daw siya sa ilang action scenes na sana’y magawa pa niya.

 

 

 

“Noong sabihin nila sa akin na action itong teleserye na gagawin ko, bigla akong kinabahan dahil matagal akong hindi nakagawa ng ganitong klaseng teleserye. Ilang taon na puro drama lang ako. Huli kong nagawang teleserye na may action scenes ay ‘yung Darna na 13 years ago pa.

 

 

 

“Sinabi naman sa akin na hindi raw ako masyadong pahihirapan. Ready naman ako sa kahit anong role. Kailangan ko lang mag-workout at mag-diet ulit dahil mahaba-haba rin ang bakasyon ko,” tawa pa ni Katrina.

 

 

 

Bukod kay Ruru, makakasama rin ni Katrina sa Black Rider ng GMA Public Affairs sina Matteo Guidicelli, Raymart Santiago, Gladys Reyes, Gary Estrada, Zoren Legaspi, Raymond Bagatsing, Jon Lucas, Kim Perez, Empoy Maquez, Luis Hontiveros, Almira Muhlach, Jayson Gainza, Joaquin Manasala, Pipay, Saviour Ramos, Vance Larena, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Turing, Prince Clemente at Rainier Castillo.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang

    SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.     Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?     “Malungkot […]

  • Bentahan ng PNP uniforms, hihigpitan

    PINAHIHIGPITAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang bentahan ng mga police uniforms kasunod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang escorts nito ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform, nitong Linggo.   Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police […]

  • Ilang mga laro sa MLB kinansela matapos magpositibo ang ilang players

    Maraming mga laro sa Major League Baseball (MLB) ang kinansela dahil sa pagpositibo ng mga ilang mga manlalaro at staff.   Naapektuhan dito ang laban ng Miami Marlins sa Baltimore Orioles sa Florida at ang laban ng Philladpelphia Phillies at New York Yankess sa Pennsylvania.   Ayon sa MLB , minabuti nilang kanselahin ang mga […]