Sa pabubukas ng bago nilang negosyo: YSABEL at ELLE, sinuportahan nina MIGUEL at DERRICK
- Published on September 25, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY na umaalagwa ang career ni Paolo Contis lalo pa nga at nitong Biyernes, September 22 ay pumirma siya ng panibagong kontrata sa Sparkle ng GMA Network.
Sa interbyu kay Paolo ay itinanong dito kung ano ang sekreto ng kanyang pagiging versatile; kasi nga si Paolo ay mahusay sa drama, sa comedy, sa ‘Bubble Gang’, at mahusay na host ng ‘Eat Bulaga!’
“I love what I do and I’m very good at it.
“If you are good at something, you do it well, ‘di ba. Mahal ko po ‘yung ginagawa ko, I’m very fortunate sa GMA for giving me the break all the time.”
Labis ang pasasalamat ni Paolo sa kanyang mga GMA and Sparkle bosses.
“Dito ako sa GMA bumait, sumama. Tapos mabait uli, so maraming salamat, hindi niyo ako sinukuan.”
At balitang dahil naka-focus ngayon si Paolo sa ‘Eat Bulaga!’ ay baka hindi muna raw ito gumawa ng teleserye?
At sa isang panayam rin kay Paolo ay natanong dito kung ano ang reaksyon niya na malamang magbalik na sa telebisyon si Willie Revillame; umuugong ang balita na magkakaroon ng show si Willie sa PTV4
“Well that’s good… at least, mas madaming matutulungan na tao, di ba?
Dati ay naging co-host pansumandali ni Willie si Paolo sa ‘Wowowin’ sa GMA.
***
APPLAUDED ng marami si Julia Morley na head ng Miss World Organization.
Wala kasing plano si Julia na gayahin ang ibang beauty pageants na baguhin ang mga rules at requirements para sa mga nagnanais maging kandidata, partikular na sa Miss Universe kung saan puwede nang sumali ang mga babaeng may asawa, may anak, at maging ang mga transgender.
“I hear lots of things, removing here there and everywhere. “We’re staying as we are,” pahayag ni Julia.
“We have now 142 nations coming together and the reason is they know us.
“They know our rules, they know our regulations, and we make no pretense as to who we are, what we are.
“You know what we are, you know what it is,” patungkol niya sa Miss World beauty pageant.
Naroroon naman raw ang respeto niya sa desisyon ng ibang pageants.
At kung wala ng age limit ang Miss Universe, nananatili sa Miss World ang age requirements na 17 hanggang 27 years old, single.
“But don’t mess around with age here, age there, boy here, girl there.
“You’re all important. Allow each other to work together and learn from each other, not be deliberately trying to seek publicity.
“Leave us alone, let us be Miss world and be proud of it.”
***
KAHIT tapos na ang ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA ay muling nag-volt in ang tatlo sa female cast ng naturang live action series na sina Ysabel Ortega, Sophia Senoron at Elle Villanueva.
Pinasok kasi ng tatlo ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagkuha ng franchise ng Nailandia, ang sikat na nail salon and spa chain.
Sa isang prime location sa II Terrazo sa Tomas Morato matatagpuan ang bagong bukas na branch ng Nailandia na pag-aari nina Ysabel, Sophia at Elle.
Dumalo sa grand opening at ribbon-cutting ang mga may-ari ng Nailandia na sina Noreen Divina at mister niyang si Juncynth Divina.
Present rin siyempre ang special someone ni Ysabel na si Miguel Tanfelix at ang co-star nila sa Voltes V ang child actor na si Raphael Landicho at ang kasintahan ni Elle, ang Sparkle hunk na si Derrick Monasterio.
Malapit na rin nga palang simulan ang bagong serye nina Elle at Derrick na sa pagkakaalam namin ay ‘Makiling’ ang titulo.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye
THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras. Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila […]
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]
-
PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA
SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan. Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles, nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020. Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa […]