• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagbabalik-primetime sa kani-kanilang teleserye: Sang’gre na si SANYA, KYLIE at GABBI, binigyang-pugay ng GMA

NGAYONG Saturday, June 11 na ang pagbabalik ng original cast ng GMA comedy show sa “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.”

 

 

Ang number one successful comedy show ay nagsimula noong March, 2010, at nagkaroon ng ilang relaunch, until nang magkaroon tayo ng pandemic ay iginawa ito ng prequel, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, na pinagbidahan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos as the young Bitoy at Elsa.

 

 

Kaya muli na ngang mapapanood sina Michael V at Manilyn Reynes, as Bitoy and Elsa, mga anak nilang sina Jake Vargas at Angel Satsumi as Chito and Clarisse, at sina John Feir as Patrick, Mosang as Baby, Ronnie Henares as Tommy, Chariz Solomon as Janice, Janna Dominguez as Maria, Jen Rosendahl as Berta and Arthur Solinap as Bert, at si Ms. Nova Villa.

 

 

Kung naging masaya ang cast sa muli nilang pagbabalik, nalungkot din sila dahil pumanaw na ang kanilang director na si Bert de Leon, during the pandemic. Hindi nila pinalitan ng programa si Direk Bert, at si Michael V na ang magdidirek nito ngayon.

 

 

Naniniwala naman ang cast at ang GMA Network dahil may trust sila at confident sila na kayang pangunahan ni Bitoy ang pagdidirek ng show.

 

 

Kaya simula ngayong Saturday mapapanood na ang Book 3 ng “Pepito Manaloto” at 6:15 PM, after “24 Oras Weekend” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NATUWA ang mga netizens nang mag-post ang GMA ng kasalukuyan nilang Primetime series gabi-gabi ng: “Magbigay-pugay sa mga Reyna at ang pagbabalik ng mga Sang’gre sa primetime: Sanya Lopez (Danaya) for “First Lady,” at 8PM, Kylie Padilla (Amihan) for “Bolera” at 8:50PM and Gabbi Garcia (Alena) for “Love You Stranger” at 9:35PM.

 

 

Silang tatlo ay gumanap na mga Sang’gre’ sa epic serye na “Encantadia,” Kasama rin nila roon si Glaiza de Castro as Pirena. Katatapos lamang mapanood si Glaiza sa fantasy series din na “False Positive.”

 

 

Gabi-gabi kasi ay pare-parehong nangunguna ang mga series nila, laban sa mga katapatan nilang programa ng ibang network. Happy rin ang GMA Program Management na nagtapos din ang iba nilang series, like “Mano Po Legacy: Her Big Boss” nina Ken Chan at Bianca Umali at ang “Raya Sirena” nina Sofia Pablo at Allen Ansay, sa mataas na rating.

 

 

Ang top rater gabi-gabi ay ang romantic-drama series na “First Lady” na last June 2, ay nakakuha ng 17 percent laban sa katapat na nakakuha naman ng 11.5 percent.

 

 

***

 

 

STILL on “First Lady”, nasa last three weeks na ang kanilang serye, kaya nakakaramdam na ang buong cast ng separation anxiety, dahil mami-miss nila ang isa’t isa.

 

 

Hindi nga biro ang halos dalawang taon silang magkakasama sa lock-in taping during the pandemic, na nagsimula sa first season ng serye at ngayon nga ay papatapos na ang taping nila ng season two.

 

 

“Kaya po nagbuo kami ng vlog na tinawag naming DEARS, dahil ‘dear’ ang tawagan naming sa isa’t isa,” sabi ni Sanya.

 

 

“Promise naming sa isa’t isa na lagi kaming mag-uusap sa vlog, at isi-share din naming ito sa inyo. Naging masaya at enjoyable ang pagsasama naming lahat, kaya naging very close na kami sa isa’t isa, we are like a big family.”

 

 

Nasa highlight na ang story at inaabangan na ng mga netizens kung makakaligtas ba si Ingrid (Alice Dixson) sa assassination attempt na iniutos ni Allegra (Isabel Rivas). Makapagsalita pa kaya siya at maipagtapat ang totoo kung sino ang gustong mamatay siya?

 

 

Ang “First Lady” ay napapanood gabi-gabi after “24 Oras” sa GMA-7.

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DOH pinaiiwas muna ang publiko sa Christmas caroling dahil sa COVID-19

    PINAIIWAS muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga nakagawiang aktibidad tuwing holiday season tulad ng Christmas caroling dahil sa banta ng COVID-19.   Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga paghahanda sa ilang tradisyon tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.   “Let us limit the number of people in social […]

  • Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script

    MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya.     Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show.         “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na […]

  • Bloodless campaign laban sa illegal na droga, gumagana -PBBM

    WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para palitan ang approach o atake sa anti-illegal drug campaign ng administrasyon kasunod ng matagumpay na anti-illegal drug operation ng Philippine National Police (PNP) sa Alitagtag, Batangas, nagresulta ng pagkakasamsam sa P13.3 billion halaga ng shabu.     “No, quite the contrary, why will we change?” […]