Sa pagkakaalis ng video ng gender reveal: YASMIEN, nagulat sa rason na bullying and harassment
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI namin masisisi si Yasmien Kurdi kung magkahalong gulat at pagkainis ang naramdaman niya sa pagkakaalis sa Facebook at Instagram ng video ng kanilang gender reveal.
Ang rason umano? Bullying and harassment! Kaloka, di ba?
Kaya naman inilahad ni Yasmien sa kanyang Facebook page ang kanyang saloobin tungkol dito kalakip ang screenshot na ipinadala sa kanya ng diumano’y nagawa niyang paglabag sa patakaran ng community standards ng Facebook tungkol sa ipinost niya na gender reveal.
“Just last night we posted a video of our mini gender reveal and to our surprise this was taken down today on FB and IG due to bullying and harassment. We get reported a lot for wholesome contents,” umpisang lahad ni Yasmien.
Pagpapatuloy pa niya…
“Ang i-report n’yo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents.
“Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”
November last year nag-announce sina Yasmien at mister niyang si Rey Soldevilla, Jr. na magkakaroon na sila ng bagong baby.
Susundan nito ang panganay nilang anak na si Ayesha Zara na 11 years old ngayon.
At base naman sa gender reveal video nila na tinanggal nga ng FB at IG, babae muli ang magiging anak nina Yasmien at Rey.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Dahil na idol na idol ang dating senador: ROBIN, pinipilit ihawig ang buhay niya kay GRINGO
DAHIL si Senator Robin Padilla ang gaganap bilang si dating Senador Gringo “Greg” Honasan sa pelikula tungkol sa buhay nito, tinanong namin siya kung ano ang pagkakapareho nila. “Siyempre alam niyo po, iyong isang, isang bagay… marami pong pagkakahawig kasi pinipilit kong ihawig, talagang idol po namin siya, e,” lahad ni Robin. […]
-
Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isapribado suhestiyon ni Chairman Joey Salceda
SUHESTIYON ito ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda upang makalikom ng malaking kita ang susunod na pamahalaan at bilang tugon na rin sa kung papaano makakaluwag ang bansa mula sa epekto sa pinansyal ng COVID-19 pandemic. Ngunit paglilinaw ni Salceda, ang iminumungkahing privatization sa NAIA ay hindi nangangahulugan na tuluyang […]
-
Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH
UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal. Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68. Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]