• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagtatapos ng sitcom nila ni Bossing Vic: MAINE, may tsikang makakasama ni ATOM sa ‘Extra Challenge (Reloaded)’

KUNG napanood na muli si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” last Saturday, May 6, nagpaalam naman siya kinagabihan sa finale episode ng comedy show nilang “Daddy’s Gurl” sa GMA-7, na nagtatampok sa kanilang mag-ama, si Itang Barak Otogan (Vic Sotto) at siya naman ang anak na si Visitacion or Stacy Otogan.  

 

 

Maine penned a short but sweet farewell letter for the show: “The Otogans are signing off.  Thank you Bossing, thank you “Daddy”s Gurl” family.  Grateful for many things. Maraming salamat sa apat na taon, mga Kapuso.”

 

 

Maine ended her post by signing as Stacy O. for the last time.

 

 

Nag-promote pa siya ng susunod na show: “Watch out for “Open 24/7” coming real soon.”

 

 

Pero may magandang balita para sa mga fans ni Maine.

 

 

Posted sa Facebook ng GMA Network:  “Extra Challenge (Reloaded)”  Atom Araullo and Maine Mendoza tandem will definitely bring so much fun and excitement on this show.  Out of all the suggestions in this thread, this will be the most viable since it is a network original.

 

 

Kung sa ngayon ay inihahanda na nga ang show ng GMA, hindi kami magtataka kung tatanggapin ito ni Maine, dahil may pagka-adventurous siya, at ang alam namin ang mga ganitong shows, na hindi siya magda-drama, ang gusto niyang gawin.

 

 

Tulad ng ginawa niyang three seasons ng #MaineGoals na sa kasalukuyan ay napapanood every Saturday, 8;00 to 9:00 AM sa TV 5, at Mondays to Fridays, 8:00 PM sa Buko Channel via Cignal TV and SatLite Ch.2.

 

 

***

 

 

NANIBAGO si Kapuso Ultimate Actor Ken Chan sa bagong role na ginagampanan niya ngayon as special guest sa top-rating GMA Afternoon Prime drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

 

 

Gumaganap si Ken bilang si Dr. Lyndon Javier, isang mahusay pero masungit na neuro-surgeon.

 

 

“First time kong gaganap sa ganitong role, malayung-malayo sa mga naunang characters kong nagampanan, kaya talagang pinag-aralan kong mabuti ang mga dialogues,” nakangiting kuwento ni Ken.

 

 

“It’s good na ang director namin si Direk LA Madridejos, kilala na niya ako dahil two times na siyang naging director ko, una doon sa “Special Tatay” at sumunod sa “Meant To Be.”

 

 

“Pero ibang-iba nga ang mga characters ko roon, dito napaka-seryoso ko at kailangan kong pag-aralan ang mga medical terms.  Hangang-hanga ako kay Jillian, sa mga dialogues niya”

 

 

Natuwa naman ang mga netizens na sumusubaybay sa serye at tanong nila magkaroon na raw kaya ng lovelife si Dra. Analyn Santos sa katauhan ni Dr. Lyndon Javier?  Masungit nga ang dating ni Dr, Lyndon, hindi raw kaya isa rin siya sa magpapahirap o magiging mabait kaya siya kay Dr. Analyn?

 

 

Marami na ring naiinip sa pagbabalik ni Dr. Roberto Tanyag (Richard Yap), ang tatay ni Analyn, na naka-confine pa sa New York hospital pagkatapos ng aksidenteng muntik niyang ikamatay sa kamay ng asawang si Moira (Pinky Amador).

 

 

Ang “Abot-Kamay na Pangarap” ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM after “Eat Bulaga.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Psalm 33:5

    The earth is full of God’s unfailing love.

  • ‘Doctor Strange 2’ Poster Confirms Appearance of Marvel Zombies & Captain Carter

    MARVEL unveils the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster confirming live-action zombies and Captain Carter will appear in the film.     The upcoming Marvel Cinematic Universe sequel takes place after the events of Spider-Man: No Way Home, WandaVision and Loki season 1 in which the titular sorcerer is continuing his research into the Time Stone and when the doors to […]

  • KIKO at HEAVEN, tila nabuking sa relasyon at tama ang hinala ni DEVON

    BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.       At si Dingdong nga ang nag-initiate na marami na sa mga kasamahan nila, lalo na sa industriya ang mabakunahan.     Ang mga PPL Entertainment Inc. at All Access to Artists ay mga kasabay nila na nagpabakuna, same sa mga riders ng Dingdong.ph at ilang […]