Sa pagtulong sa mga nangangailangan, walang politika- in helping the needy – DSWD
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
NANINDIGAN si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang halong politika sa pagtulong ng departamento sa mga nangangailangan o humihingi ng tulong.
Sinabi ni Gatchalian na tumutulong sila sa mga nangangailangan kahit mayroon o walang referral mula sa mga politiko.
“Every day naman kahit walang referral ‘pag pumunta ka sa tanggapan ng DSWD tinutulungan ka. Hindi mo kailangan ng referral. Kung may referral, tutulungan ka rin,” ayon sa Kalihim.
Ipinahayag ito ng Kalihim nang hingan ng komento ukol sa do umano’y binasura ng DSWD ang ‘ referrals for assistance’ mula sa Office of the Vice President (OVP).
Sinabi pa ng Kalihim na hindi nila pinopollitika ang pagtulong sa tao lalo pa’t ang responsable sa pagbibigay ng tulong ay ang mga licensed social workers, ang ibig sabihin ang kanilang lisensiya ay malalagay sa pangnib at alanganin kapag pinolitika nila ang pagtulong sa mga nangangailangan.
Aniya pa, nakipag-ugnayan na sila sa OVP para sa paglilinaw. Maaari aniya silang magbigay ng screenshots ng kanilang pag-uusap para patunayan na mali ang alegasyon.
“So, para sa akin palagay ko ‘yung mga ‘yun ay sapat na na mga documentation para maipakita namin na wala kaming kinikilingang referral or walang referral, or may referral, lahat ng pupunta sa office, tinatanggap naman natin,” aniya pa rin.
“Wala kaming record na aming tinanggihan,” dagdag na wika ni Gatchalian.
Sa Senado, tiniyak ni Gatchalian na ang tulong ay para sa lahat.
“Lahat ng nangangailangan ng tulong, tutulungan,” ang sinabi ni Gatchalian.
“Hindi ho nagiging selective ang Departamento natin. Ang mga social worker ho natin ang sumusuri nyan. Pagka nagbigay ho ang kongresista o ang kahit na sinong partner ng referral list, bine-vet ho nating mabuti yon (,” ang sinabi pa rin n iGatchalian sa mga miyembro ng Senate Finance Committee. (Daris Jose)
-
3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela
TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]
-
Pacquiao tuloy lang sa ensayo
Tuluy-tuloy lang ang puspusang training camp si People’s Champion Manny Pacquiao sa kabila ng mga isyung pulitikal nito sa Maynila. Napaulat na tinanggal ito bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa ginanap na national assembly ng partido noong Sabado ng gabi sa Clark, Pampanga. Ipinalit sa kanyang puwesto […]
-
Halos 200K households, naaalis sa listahan ng 4Ps sa loob ng panunungkulan ni PBBM
SA LOOB ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Maaalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng […]