Sa patuloy na tagumpay bilang aktor at politician: ARJO, top priority pa rin si MAINE at pabuo ng pamilya
- Published on September 16, 2024
- by @peoplesbalita
MULI ngang ipinamalas ng actor-public servant na si Cong. Arjo Atayde ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist, matapos niyang magwagi sa 2024 ContentAsia Awards.
Itinanghal si Arjo bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng ‘Cattleya Killer’.
Ang ‘Cattleya Killer’ ay isang Filipino crime-thriller series mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video nuong June 1, 2023.
Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat niDodo Dayao, umiikot ito sa murder investigation na kunektado sa lumang kaso sangkot ang isang notorious serial killer.
Pinagsama-sama ng show ang suspense, mystery, at psychological drama, habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang kuneksyon nila sa mga pagpatay.
Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman naka-posisyon ang ‘Cattleya Killer’ bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.
Sa awards ceremony sa Taipei, ipinahayag ni Arjo ang kanyang heartfelt gratitude sa lahat ng tumulong upang makamit niya ang victory na ito.
“Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”
Patuloy na pinasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na si Maine Mendoza.
“It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here,” sabi pa niya.
“Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this.”
Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN sa suporta nito.
“To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course, to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po,” pahayag pa ni Arjo.
Ang pinamalas na kahusayan ni Arjo sa ‘Cattleya Killer’ na bumihag sa mga manonood at kritiko, ang tumalo sa lima pang mga nominado para masungkit niya ang prestigious award.
Ito ang pinakabago sa string of international accolades para kay Arjo. It follows his 2020 Best Actor win at the Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman, kung saan ginampanan niya ang papel ng isang barbero na sangkot sa mapanganib na mundo ng pulitika. At si Arjo ang unang Pilipino na naparangalan ng pinaka-prestihiyosong platform para sa creative excellence ng rehiyon.
Maliban sa kanyang thriving acting career, nagsisilbi din si Arjo bilang Representative ng Unang Distrito ng Quezon City, isang position na kanyang napanalunan by a landslide nuong 2022 elections.
His commitment to both his craft and public service showcases his multifaceted contributions to Philippine society.
Sa kanyang unwavering passion at dedication, patuloy na nai-inspire at ina-uplift ni Arjo ang pelikulang Pilipino at industriya ng telebisyon sa global stage.
Samantala, sa ginanap na thanksgiving party/Christmas party last Friday, September 13, inamin ni Arjo na kabila ng mga tagumpay na tinatamasa bilang actor at pinupuri bilang mahusay na congressman, top priority pa rin niya ang kanyang pamilya, lalo na ang pagiging asawa ni Maine.
At kahit sobrang busy nila sa kani-kanilang career, pag may pagkakataon na mag-travel ang ginagawa nila. Tulad noong first wedding anniversary nila last July 28.
Nilinaw din ng premyadong aktor na ‘di totoong buntis na ang asawa. Nagbakasyon sila kaya hindi nakapag-report si Maine sa ‘Eat Bulaga’.
Tungkol naman sa pagkakaroon ng baby, ang say ni Arjo, “of course, we talk about it, but that’s between us, muna. For now, we’re really enjoying each other’s time. Kasi hindi naman po ito mauulit na kaming dalawa na lang together.
“So, secret na lang po kung kailan, but definitely, we talk about it.”
(ROHN ROMULO)
-
Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B
PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima […]
-
GAME TO FILM “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” HITS CINEMAS THIS HALLOWEEN
GET ready for a game of survival at the cinemas when “Five Nights At Freddy’s” opens November 1 nationwide, from Universal Pictures International. From horror haven Blumhouse, producers of recent hit cinema terrors “M3gan”, “The Black Phone” and “Invisible Man” brings “Five Nights at Freddy’s” to the big screen. The film stars Hunger Games’ […]
-
Del Monte Ave. to Fernando Poe, Jr. Avenue sa QC? Tama ba ‘to? Ano kaya ang sasabihin ni Da King tungkol dito?
BIHIRANG bihira na magpanukala ng batas si Senator Lito Lapid kaya naman kapag mayroon ay mapupuna kaagad. Isa dito ang panukalang palitan ang pangalan ng makasaysayang Del Monte Avenue sa pangalan ng hari ng pelikulang Pilipino, Fernando Poe Jr. Marahil kung hindi ka taga San Francisco Del Monte, Quezon City, ay wa epek sayo ito […]