• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pinakikita nina DEREK at ELLEN, mukhang may ‘something’ na talaga kahit maraming against

MUKHANG may ‘something’ na talaga between Derek Ramsay at Ellen Adarna. 

 

 

Ito na ang nakikita at halos pinaniniwalaan ng mga netizens.

 

 

Hindi masisisi nina Derek at Ellen ang netizens kahit pa “The Unbothered” ang tag sa kanila dahil sa mga ipino-post din naman nilang larawan na napaka-cozy sa isa’t-isa. Nandiyang tila nakayakap si Derek kay Ellen hanggang sa pagdya-jumping rope ng sabay.

 

 

Nasundan pa ito ng mga post ng kaibigan nila na ewan kung nabigla lang ba sa pagpu-post o sinadya talaga para ipaalam na sila na.

 

 

May pa-“So happy for both of you” na post at tila pambubuking na, “Galing… in-love ang bff ko @ramsayderek07 kay @maria.elena.adarna pero talo sa jumping rope.”

 

 

Yun nga lang, kung ang mga kaibigan nila, tila botong-boto naman sa dalawa. “Perfect match” nga raw, base sa post pa rin, sa mga netizens, mas maraming against.

 

 

Nandiyang kesyo papansin daw ang dalawa. May mga humuhula naman na hanggang 3 months lang ang mga ito then, break na.

 

 

May mga comments din na, “Ganyang-ganyan din nagsimula sina Ellen at JLC. Beach outing.”

 

 

Meron din naman na nagsasabing wala namang masama kung sila nga. Pareho naman silang single at may anak. If hindi man mag- work, at least, they tried.”

 

 

***

 

 

HINDI sa Pilipinas gustong maging artista ng panganay na anak nina Tanya Garcia at Mark Lapid na si Mischa Lapid, sa South Korea.

 

 

Fan din ito ng mga grupong BTS at Blackpink. Kaya ito agad ang sagot ni Tanya nang matanong namin kung may gustong sumunod sa yapak niya sa mga anak.

 

 

     “Naku, yung anak ko, gustong maging K-pop Idol. Yun ang gusto niya, gusto niyang mag-training sa Korea.

 

 

     “Eh, parang yun yata ang hindi ko kaya, yung mahihiwalay siya sa akin. Eh, ilang years ang training ‘di ba? At hindi naman dito yun, sa ibang bansa.”

 

 

     Pero kung talagang gustong-gusto raw at yun ang pangarap, lalo na ng panganay nilang anak na si Mischa, isa lang daw ang request niya.

 

 

     “Kung talagang papasukin niya ang pag-aartista, isa lang ang hiling ko, tapusin niya muna ang pag-aaral. Kasi, ako, hindi ko natapos ang pag-aaral ko.      “Although nakapag-college ako, pero hindi ko natapos. So, yun lang naman ang hinihingi ko, makapagtapos sila ng pag-college.”

 

 

Kung ano man daw ang naranasan niyang hirap sa pagiging isang artista na ayaw niyang maranasan ng anak, kahit konting hirap daw, gusto rin niyang makaranas ang mga ito.

 

 

     “Siyempre, as much as we want to give them the best, maganda rin yung kahit konting hirap lang na ma-experience nila para mas ma-enjoy nila yung success.

 

 

“Like ako, nag-audition ako for ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ at pati sa ‘Ang TV’, may mga ganun ako noon. So, sana sila rin. Hindi lahat, ibibigay na lang in a silver platter.”

 

 

Sa isang banda, magsisilbing comeback nga ni Tanya ang Babawiin Ko Ang Lahat as ang actress at bilang isang Kapuso.

 

 

Originally, maikli lang daw ang role niya pero dahil sa pandemic at hindi na sila natuloy na pumunta sa ibang bansa, pumayag na rin siya na tuloy-tuloy na siya sa buong serye na nagsisimula na noong Lunes sa GMA Afternoon Prime.

 

 

“Alam niyo, ang laking bagay na sila yung nakasama ko sa lock-in taping like sina Carmina Villarroel, John Estrada, yung mga bagets. Mas naging magaan yung lock-in, yung work. And sana kung may next man, sana sila pa rin yung kasama,” natawang sabi niya.

 

 

***

 

 

PUMAPATOL din daw si Mayor Vico Sotto sa bashers.

 

 

     “Minsan,” pag-amin niya.

 

 

“Pero dapat, hindi ka masyadong maapektuhan. Pero sa isang banda, naniniwala ako as a public servant, tinitingnan ko rin yung feedback.”

 

 

Nagpaunlak ito sa You Tube channel ni Alex Gonzaga at sumagot naman sa mga tanong sa kanya. Gaya ng lovelife na hindi raw niya priority ngayon.

 

 

“Well, sa ngayon hindi naman priority yan. Lalo na noong mag-pandemic, talagang wala pang time. Focused munan tayo sa trabaho.”

 

 

     “Supportive naman sila sa akin. Kahit medyo natakot sila para sa akin, supportive naman sila. Suwerte ako na yung parents ko, very down-to-earth din.”

 

 

     Alam na ang mga magulang nito ay sina Coney Reyes at Vic Sotto. (ROSE GARCIA)

Other News
  • “BONES AND ALL” EARNS GOTHAM NOMINATIONS FOR TAYLOR RUSSELL, MARK RYLANCE

    THE Gotham Film & Media Institute announced recently the nominations for the 32nd Annual Gotham Awards in which Warner Bros. Pictures’ new romantic thriller “Bones and All” was recognized with two nominations for its cast members.   Taylor Russell is nominated for Outstanding Lead Performance, while Mark Rylance scored an Outstanding Supporting Performance nomination.  Russell and Rylance play […]

  • High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon

    KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan.     “The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay […]

  • Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC

    SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City?     Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]