• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa post ng GMA sa mga posisyon na available: DAVID, pabirong nag-comment ns mag-a-apply bilang isang account manager

KAHIT busy sa maraming projects at sariling negosyo, mukhang gusto pang dagdagan ni Pambansang Ginoo David Licauco ang mga nakalista sa kanyang resume nang mag-comment ito kung puwede ba siyang mag-apply bilang isang account manager sa GMA.

 

 

Nag-post kamakailan ang GMA Network ng isang listahan ng mga posisyon na available para sa gustong mag-apply. Sa comments section, pabirong nag-comment si David at nagtatanong kung saan siya puwede magpadala ng CV o curriculum vitae, bago mag-comment muli na gusto niyang mag-apply bilang isang account manager.

 

 

Maraming netizens ang natawa sa ginawang komento ni David habang ang iba ay sinagot siya na overqualified na raw ito o kaya naman ay hindi na kailangan mag-apply pa.

 

Samantala, ang iba naman ay pabirong sinabi na puwedeng magpadala ng application ang Pambansang Ginoo sa kanilang personal email, o personal na pumunta sa bahay nila. Ang iba, gustong mag-apply kay David mismo.

 

Ang isa sa netizens naman, napansin ang pagiging businessman ni David at sinabing may business mindset ito sa pag-a-apply bilang account manager, habang ang isang netizen naman ay sinabihan ito na masyado na maraming ginagawa at wala nang pahinga.

 

Matatandaang maraming negosyo ang aktor na inaasikaso bukod sa pag-aartista.

 

Bukod pa roon, kahit halos katatapos lang ng Maria Clara at Ibarra kung saan bumida siya bilang si Fidel, kasalukuyan naghahanda si David at ang co-star niya na si Barbie Forteza para sa isang bagong proyekto.

 

Samantala, puwede nang balik-balikan sa Netflix PH ang kanila pinag-usapang primetime series at agsimula itong umere noong April 14.

 

Sa Facebook post ng Netflix PH, ibinahagi nito ang ilang sweet moments nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Ibarra (Dennis Trillo) bilang patikim sa pag-stream ng show. Marami naman ang na-excite at talagang naka-miss sa Maria Clara at Ibarra.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads September 5, 2023

  • Nadal pasok na sa quarterfinals ng Australian Open

    PASOK na sa quarter-finals ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Adrian Mannarino ng France.     Sa unang set ay nahirapan ang Spanish tennis star subalit pagpasok ng ikalawa at huling set ay hindi na nito hinayaan na makalapit pa ang kalaban 7-6(14), 6-2, 6-2.     Ito na ang pangalawang pagkatalo […]

  • 642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

    Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.     Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong […]