• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital

NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital.

 

 

Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment.

 

 

Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, na kung saan pinag-aralan mabuti ni LA ang role na bilang isang special child.

 

 

Kuwento ni Mommy Florita Santos, na producer ng film, “sobrang bigat kasi ng eksena.  Kaya whole da na nag-internalize si LA.  After ng scene, hindi na niya makontrol ang sarili, dahil hindi siya agad bumitaw.”

 

 

Kaya naman nag-palpitate si LA at sumakit ang ulo ng anak, kaya dinala na nila sa ospital, hanggang kumalma at bumuti na ang kanyang pakiramdam.

 

 

Ang “In His Mother’s Eyes”, ang reunion movie nina Maricel Soriano at Roderick Paulate, na ang ganda ng sagutan nila sa isang eksena, na kung saan gumaganap silang magkapatid.

 

 

At revealation nga dito LA na hindi talaga nagpakabog dahil nakipagsabayan siya sa husay sa pag-arte with Marya at Dick.  Kaya pupuwede siyang ma-nominate bilang Best Actor.

 

 

Kitang-kita rin ang napakahusay na pagkaka-direk nito ni FM Reyes, na teaser pa lang ay maiiyak ka na, dahil tagos sa puso ang movie na mula sa panulat nina Gina Marissa Tagasa at Gerry Gracio.

 

 

At maging ang theme song ng movie na may title na ‘Inay, Patawad” na kinompos ni Jonathan Manalo at inawit ni LA, na collaboration nila ito, na nagkaiyakan pa habang tinatapos ang naturang kanta.

 

 

Natanong si Mommy Flor, kung bakit si Maricel ang napili nilang maging nanay ni LA sa movie.

 

 

“Nung ‘Ang sa Iyo ay Akin’, di ba lock-in sila, tapos wala ako, I was in China for eleven months,” kuwento ng mommy ni LA.

 

 

“Si LA kasi sobrang mama’s boy, alam naman ng lahat ‘yun. Iyakin din siya.

 

 

“Tapos sobra siyang nagpa-panic at dahil kasama niya si Sis Maricel, nakakalma siya. Pinag-uusapan nila mga dogs, minsan in the middle of the night, magbi-video call, sasabihin niya, ‘Ma, si Inay po.’

 

 

“Kaya ko nga siya naging ‘sis’, tapos noong nabuo na, sabi ko, ituloy na namin ang pelikula.”

 

 

Hindin rin makapaniwala si Mommy Flor na, “imagine, Maricel Soriano, isi-share kay LA, parang imposible, di ba? Sino lang ba si LA para samahan ni Ms. Maricel?

 

 

“Kaya sobrang thankful ako, ‘di ko akalain that Maricel Soriano will share her name sa isang LA Santos.”

 

 

Sa October 16, 2023 na ang sinasabing announcement ng final four na bubuo sa Top 8 entries sa 2023 Metro Manila Film Festival, at marami talaga ang nagdarasal at nagwi-wish na makapasok ang “In His Mother’s Eyes”, na super deserving talaga.

 

 

***

 

 

PUMAPASOK sa mundo ng “boy-love” ang pinakabagong digital hit ng Puregold Channel sa Tiktok, ang My Plantito, at itinatanghal din ng serye ang suporta at pagtanggap mula sa pamilya at mga kaibigan.

 

 

Hindi tipikal na kuwento ng pag-ibig ang My Plantito, lalo na sa konteksto ng mga tradisyon at halagahang Pilipino. Sa di-kombensyonal na tema, hinahamon ng Puregold Channel ang nakasanayan, at naglalakbay ito tungo sa hindi pa napupuntahan ng iba: isang istorya ng boy-love kasama ng mga komplikadong aspekto gaya ng mga kapamilya at kaibigan, at ang kanilang mga reaksyon.

 

 

Itinatampok ng My Plantito si Kych Minemoto, na binibigyang-buhay si Charlie na puno ng karisma, at si Michael Ver, bilang misteryosong kapitbahay at plantito na si Miko.

 

 

Sa kasalukuyan, mainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa Tiktok serye, at bawat episode ay nakakakuha ng higit sa milyong views.

 

 

Ayon pa kay  Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Senior Marketing Manager, ipinagpapasalamat ng Puregold na nakauugnay ang mga tagapanood sa serye.

 

 

“Umaasa kaming nagsisimula ang My Plantito ng mga dayalogo hindi lamang tungkol sa pamilya, kung hindi sa kabutihan, pagtanggap, at ang dinamiko ng pamilyang Pilipino.”

 

 

Sa nakaraang mga episode, ipinakita ang pagkakaibigan nina Charlie at Miko, at ang nagsisimula nilang pag-iibigan, kasama ang nakatutunaw ng puso na interaksyon ng pamilya, lalo na sa pagganap ni Ghaello Salva bilang Janong, ang mapagmahal at sumusuportang ama ni Charlie.

 

 

Dahil nangangarap na maging mahusay na content creator, hindi-sinasadyang naipakilala ni Charlie si “Miko Plantito” sa kaniyang mga tagapanood, at naging viral naman ito agad.

 

 

Sa pag-udyok ng kaniyang BFF na si Bianca (Devi Descartin), ipinagpatuloy niya ang lihim na pagkuha ng bidyo kay Miko, na nagsilbing posibleng hadlang sa pagsisimula ng kuwento ng pag-ibig.

 

 

Marami pang nakatutuwang mga eksena ang mapapanood sa susunod na mga episode ng My Plantito. Isa rito ang pagpapakita ng emosyonal na suporta nina Janong at Bianca dahil nahihirapan si Charlie na lumikha, kasunod ng away nila ni Miko.

 

 

Pag-asa at pagkasabik ang mararamdaman ng mga fan at tagapanood, dahil handog ng My Plantito hindi lamang romansa at kilig mula kina Charlie at Miko, kung hindi isang malalim na eksplorasyon ng pag-ibig at ang iba-iba nitong mukha at aspekto.

 

 

Abangan ang mga darating pang episode ng My Plantito, eksklusibo sa opisyal na Tiktok account ng Puregold, @puregoldph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF

    INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo.   Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ.   Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine […]

  • Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols

    PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa  West Philippine Sea.     Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.   […]

  • Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

    Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.   Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.   Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.   Nauna […]