Sa usaping tungkol sa sexual harassment: ANGELA, nag-iingat at dapat kayang protektahan ang sarili
- Published on September 17, 2024
- by @peoplesbalita
MASAYA ang Vivamax actress na si Angela Morena na makatrabaho sa unang pagkakataon ang direktor na si Dado Lumibao para sa “Butas”.
Say ni Angela, “Ang dami kong na-discover at natutunan. Isa yun sa ano, dahil writer siya, siya yung nagsulat nito, talagang very strict siya pagdating sa dayalog and everything.
“E ako as an actor mahilig akong mag-adlib pero since itong “Butas” it’s a teamwork, it’s a collaboration, at sobrang natuwa ako kasi si direk Dado sobrang taas ng respeto niya pagdating sa mga Vivamax actors.
“Hindi lang sa amin pero kinukuwento niya, sinasabi niya na, ‘Ang taas ng respeto ko sa inyo!’”
Nakilala si direk Dado bilang writer at direktor ng mga romance at drama projects sa ABS-CBN at una niyang Vivamax project ang “Butas”.
At dahil daring and sexy ang ‘Butas’ (mabilis ang pagkakabigkas bilang pang-uri) natanong si Angela kung ano ang opinyon niya tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon, ang sexual harassment.
Lalo pa nga at sa genre ng kanyang mga proyekto, kadalasan ay mga may mapangahas na eksenang ipanagagawa sa kanya.
“Well for me naman po I am trained to work professionally,” pahayag ni Angela.
“And as long as you can protect yourself, protect yourself.
“Kasi walang ibang magpoprotekta sa iyo kundi ang sarili mo.
“And respeto.”
Noong baguhan pa lamang si Angela ay kita ang pagiging mahiyan pa nito, pero sa ngayon, naroroon na ang confidence niya bilang isang Vivamax actress.
Iyon ba ay nangangahulugan na mas madali na para sa kanya ang gumawa ng mga daring na projects at characters?
“The answer is no,” at napatawa si Angela. “Hindi po talaga madali at everytime na nagkakaroon ako ng project or ng bagong character na nakikilala andun pa rin yung kaba.
“And hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa production, sa direktor, and especially Viva.”
Dahil ‘Butas’ ang titulo ng kanilang proyekto, tinanong namin si Angela kung ano ang poumapasok sa isip niya kapag naririnig niya ang salitang “butas”?
At nagkaroon na ba ng importansiya sa buhay niya ang salitang ito?
“Siguro po for me, “butas” is kulang? Or the feeling of being misunderstood. Kasi alam naman natin na no one is perfect, lahat tayo may “butas” sa pagkatao natin.
“And nasa atin kung paano natin siya tatanggapin at kung paano natin hahanapin yung kulang na iyon sa tamang paraan.
“Kasi yung character ko dito sa maling paraan niya hinanap, e. “At doon kayo magkakaroon ng question pagdating sa moral niya at sa character niya.
“So iyon, kulang and misunderstood.”
May iba na ang tingin sa mga sexy stars ay mababa na isang stigma pa rin sa ngayon.
“Pero hindi nila alam o hindi nila naiintindihan kung ano nga ba yung dahilan ko kung bakit ako nandito, kung bakit ko ito ginagawa.
“Na hindi ako katulad o hindi ako ganung klaseng tao na iniisip nila,” seryosong sinabi pa ni Angela.
Kasama ni Angela sa “Butas” sina Albie Casiño, JD Aguas at Angelica Hart. Available na ito for streaming sa Vivamax.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DBM, ipinalabas ang mahigit sa ₱8 bilyong cash allocation para sa rice farmers’ subsidy
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga eligible na rice farmers. Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas […]
-
Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB
PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na maraming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang […]
-
Para itulak ang BIDA anti-drugs program, gamitin ang barangay assembly- Abalos
PANAHON na para gamitin ng mga opisyal ng 42,046 barangay ang barangay assembly para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa […]