SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.
Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown” kung paano ginasta ang P9 bilyong pondo para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.
Binigyan diin ng DOH na ang nasabing pondo ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories, at ang pagpapalawak ng kapasidad ng hospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t ibang medical equipment.
Sa P4.4 bilyon na inilaan s ailalim ng Bayanihan I, P 4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at biomedical microcentrifuges at iba pang medical equipment essential para sa pagtitiyak na na maalagaan ng mga ospital ang mga COVID-19 patients.
Samantala,ang inilaan naman na P4.5 bilyong sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon nagamit hanggang December 31 ,2020 para konstruskyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at expansion ng government capacity sa buong bansa
Ang natitira namang P617 milyon at P 308 milyon ay nagamit para s apagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratory.
Sinabi rin ng DOH na magbinbigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador ns humihiling para s anasabing datos.
Binigyan diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang ang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad ng mga serbisyong pagkalusogan sa bawat Pilipino.
Binigyang diin pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon ng pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
PBBM, pinangunahan ang 2 groundbreaking rites para sa 20K housing units para sa mga residente ng CamSur
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa pagtatayo ng mahigit sa 20,000 housing units para sa mga residente ng Camarines Sur bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno. “Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin […]
-
Pinaghahandaan na ang talent portion ng pageant: MARKKI, magri-represent ng Pilipinas sa Mister Universe 2024
KAHIT higit na sa isang taon noong unang umere ang mega-series na ‘Voltes V: Legacy’, patuloy ang pagtanggap ng parangal nito. Natanggap kamakailan ng VVL ang Special Citation for Anime Live Action mula sa Otaku Choice Awards 2024. “We would like to congratulate once again ‘Voltes V: Legacy’ for […]
-
Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022. Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprinisinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]