Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.
Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang puwersa nina Mika Aireen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda, at Rongomaipapa Amy Ahomiro.
Nagsilbing kamalitan nina Sabete, Baloaloa at Prado ang mga pinakawalan ng Sta. Lucia na sina RoyseTubino, Regine Arocha at Aie Gannaban.
Huling humambalos sina Sabete, Baloaloa at Prado sa Petro Gazz ng Premier Volleyball League (PVL) na hinatid nila sa trono ng 2019 Open Conference bago natengga ang liga noong Marso 2020 dahil sa Coronavrirus Disease 2019.
Nagsuot na rin ng Sta. Lucia jersey si Sabete noong 2017 sa Philippine SuperLiga (PSL) bago nag-Angels sa PVL noong 2019.
Pinaghahandaan ng Realtors ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa parating na Pebrero 25-27. (REC)
-
Duterte, pinayagan na ang mga private sector na bumili ng COVID-19 vaccines
Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na makabili ng COVID-19 vaccine. Isinabay ng pangulo ang anunsiyong ito sa kanyang national address nitong Lunes ng gabi. Ayon sa Pangulo na inatasan na niya si Secretary Carlito Galvez na pirmahan ang lahat ng mga dokumento na pinapayagang lahat ng mga […]
-
ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA
HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila . Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na baka hindi na nila ito kayanin ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit […]
-
Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100
Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup. Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]