Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.
Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang puwersa nina Mika Aireen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda, at Rongomaipapa Amy Ahomiro.
Nagsilbing kamalitan nina Sabete, Baloaloa at Prado ang mga pinakawalan ng Sta. Lucia na sina RoyseTubino, Regine Arocha at Aie Gannaban.
Huling humambalos sina Sabete, Baloaloa at Prado sa Petro Gazz ng Premier Volleyball League (PVL) na hinatid nila sa trono ng 2019 Open Conference bago natengga ang liga noong Marso 2020 dahil sa Coronavrirus Disease 2019.
Nagsuot na rin ng Sta. Lucia jersey si Sabete noong 2017 sa Philippine SuperLiga (PSL) bago nag-Angels sa PVL noong 2019.
Pinaghahandaan ng Realtors ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa parating na Pebrero 25-27. (REC)
-
Marcial ibabalik ang mga laro sa iba’t ibang lalawigan
SINIGURADO ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Wilfrido Marcial na muling darayo ang mga laro ng propesyonal na liga sa iba’t ibang probinsya kung magkakabakuna na sa Covid-19 sa taong ito. “Kapag may vaccine, kahit saan darayuhin ng PBA On Tour,” pahayag ng 59-anyos na komisyoner kamakalawa. “Sana hindi na bubble. Kung may […]
-
Lalabag sa back-riding policy, warning lang muna – HPG director
Warning muna ang ibibigay sa mga lalabag sa polisiya sa pag-angkas sa motorsiklo sa unang araw ng pagpapatupad nito. Sa panayam, iginiit ni Police Brigadier General Eliseo Cruz, PNP-Highway Patrol Group director na simula bukas, July 11 ay magsisimula na sila sa pag-aresto. “Pipilitin natin na lahat ng mga dokumento o patunay na sila ay […]
-
PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA
BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito. Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]