• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Salamat sa inyong pagtitiwala

LABIS pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos makakuha ng mataas na performance rating batay sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

“Nakakatuwa po ang patuloy na tiwala na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking kakayahan bilang senador. Nakakaalis po ng pagod ang masigasig na pagsuporta ng taumbayan sa mga aksyon at desisyon ng Senado na aking pinamumunuan. Maraming salamat po,” pahayag ni Sotto.

 

 

Si Sotto, tumatakbo sa pagka-bise presidente, ay nakalikom ng net satisfaction rating na +52 sa pinakahuling survey ng SWS noong Disyembre. Tinalo niya si Vice President Leni Robredo na may 23% at puma­ngalawa siya kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno sa bansa.

 

 

Nakakuha si Duterte ng net satisfaction rating na +60 habang bumagsak naman ang net satisfaction rating ni Robredo.

 

 

“Ang tiwala ng ating mga kababayan ay nagsisilbing inspirasyon sa aking kampanya para maging bise presidente ng ating bansa. Hindi madali ang laban na ito, pero kukuha ako ng lakas ng loob mula sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa akin ng aking mga kababayan,” ayon kay Sotto. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

    MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque. “The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation […]

  • Ads July 1, 2023

  • JANINE at JC, relate na relate sa pinagdaanan ng characters nila sa ‘Dito at Doon’

    TIYAK na marami ang makaka-relate sa napapanahong pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos, ang Dito At Doon na mula sa mahusay na direksyon ni JP Habac.     Sa pamamagitan ng online press screening, isa kami sa unang nakapanood ng lockdown movie na mula sa panulat nina Alexandra Gonzales […]