• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Salceda ‘di pabor na tuluyang ipagbawal ang POGO operations sa bansa, bilyong halaga ng tax mawawala

MULING nanindigan si House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda ang pagtutol nito sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa.

 

 

Inihayag ni Salceda, batay sa datos aabot sa P8 Billion na halaga ng buwis ang posibleng mawala sa Pilipinas sa sandaling tuluyan ng ipagbawal ang POGO.

 

 

Ito ay bukod pa sa P192 billion gross value added loss sa real estate, labor, ancillary cost at iba pang kaugnay na serbisyo at industriya sa pagpapatakbo ng POGO.

 

 

Binigyang-diin ng mambabatas na walang legal na basehan ang diskriminasyon sa POGO industry dahil lamang sa violation ng ibang negosyo.

 

 

Sinabi ng House tax chief na hindi siya pabor na tuluyan ng i-ban o i-phase out ang POGO sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Metro Manila Subway nag-groundbreaking sa Pasig

    PINANGUNAHAN ni President Ferdinand R. Marcos ang groundbreaking ng pagtatayo ng istasyon para sa Metro Manila Subway Project sa Pasig City na isa sa pinakamalaking imprastruktura sa ilalim ng Marcos administration.       “Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more […]

  • PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

    IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.     Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng […]

  • Ads November 30, 2023