Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles.
Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang problema ng mga bentahan ng prangkisa sa LTFRB kaya minabuti ng Ahensya na ipagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng prangkisa.
Isang halimbawa ng sumbong ay tungkol sa isang kapitalista na bumibili ng prangkisa ng mga tricycles. Ang target ay mga operators na gipit o salat sa pera. Bibilhin ng mura at pagkatapos ay ibebenta ng higit sa P200 libung piso! Ang masama pa ay yung bumili habang di pa lubos na naaayos ang bentahan ay ipapasada na nang hindi nagbabayad ng “ dues” sa TODA.
Ang prangkisa para mag-operate ng public utility vehicle ay isang pribilehiyo na binibigay ng Estado, o ng LGU kung tricycle, ayon sa Local Government Code. Hindi pwedeng binebenta lang ang prangkisa na parang litsong manok o milk tea. May mga tao din na binebenta ng higit sa isa ang unit.
Marahil kailangan mapag-aralan kung kailangan nang tularan ng mga LGU ang Memorandum Circular ng LTFRB na ipinagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng public utility vehicle. Dapat kung ayaw na ng operator na bumyahe ay dapat at tama lang na ibalik ang prangkisa sa LGU o sa gobyerno.
Samantala tututukan ng LCSP ang mga reklamong nakakarating sa amin upang matigil na ang mg gawaing ganito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Substitute bill para sa pagkakaroon ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART), aprub
INAPRUBAHAN ng House Committee on Health ang consolidated substitute bill sa ilang panukalang batas na nagsusulong para ma-institutionalize ang medical reserve corps. Bubuuin ng panukalang batas ang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART sa ilalim ng Department of Health (DOH) kung saan magiging bahagi ng tungkulin nito ang pagbuo ng mga polisiya, […]
-
Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta
PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively. Pinakaunang serye naman ni Joem sa […]
-
Coalition for Good Governance (CGG) hiningi ang pag-aalis kay LTO chief
ISANG grupo na tinatawag na Coalition for Good Governance (CGG) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggalin sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor D. Mendoza II. Hiniling ng grupo na alisin sa puwesto si Mendoza dahil sa alegasyon ng korupsyon sa LTO. Ayon […]