Sales lady pinagsasaksak ng holdaper, todas
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nasawi ang isang sales lady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa panghoholdap ng suspek sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng 282 Gen. Luna St. Brgy. Baritan.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Leo Ifsor, 29 ng 0635 Magat Salamat St. Brgy. Daang Hari, Navotas city.
Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Jose Romeo Germinall kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong 1 ng hapon nang pumasok ang suspek sa Meliza’s Lingerie and Accessories Boutique sa Unit 2 No. 352 Gen. Luna St. Brgy. Baritan kung saan nagtatrabaho ang biktima bilang sales lady.
Kaagad nagdeklara ng holdap ang suspek habang armado ng patalim subalit, pumalag ang biktima na naging dahilan upang undayan ito ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ng holdaper bago mabilis na tumakas.
Gayunman, kaagad naman naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sub-Station 7 na sina PSSg Anecito Liamado Jr., PCpl Zaldy Fabul at PCpl Ryan Ulat na nagpapatrolya sa nasabing lugur.
Narekober sa suspek ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak sa biktima at ang tinangay na P200 habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umabot ng buhay. (Richard Mesa)
-
Paralympian Achele Guion, hangad na makakuha ng medalya sa Paralympic Games
Patuloy ang paghahanda ng anim na pambansang atleta na lalahok sa Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Agosto 24- September 5, 2021. Kabilang sa kanila si Achele Guion na naghahangad na manalo ng medalya matapos na magkaroon ng inspirasyon sa panalo ng gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz. Sinabi […]
-
Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH
NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa. Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam […]
-
Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games
Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23. Dahil dito ay inaasahang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bearers ng […]