• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saludo sa asawa at sa lahat ng mga nanay.: DENNIS, pinasilip na ang first photo ni Baby D na kamukha ni JENNYLYN

PINASILIP na ni Dennis Trillo ang first photo ng anak nila ni Jennylyn Mercado,na si Baby D sa mismong araw ng mga ina.
Caption ni Dennis, “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka gandang anak na kamukha mo.
“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sayo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo… Kaya ni-rerespeto, pinapahalagahan at mahal na mahal kita.
“Happy Mother’s Day! I love you.”
 
Pinusuan naman ito ng celebrity friends at netizens, at umapaw din ang pagbati ng ‘Happy Mother’s Day.
 
***
 
NAG-POST naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng sa kanyang IG ng family picture kasama ang asawang si Marian Rivera-Dantes at dalawang anak na sina Zia at Sixto.
 
Nilagyan niya ito ng caption na, “Ang reyna ng aming tahanan. Happy mother’s day, Love.”
Nareplayan naman ito ng Kapuso Primetime Queen, “Love you mahal 🥰 salamat sa walang hanggang pagmamahal ♥️.”
Inulan din ng pagbati mula sa netizens na tuwang-tuwa sa Dantes Squad, dahil nakakainggit naman talaga na parang nasa kanila na ang lahat, at wala pa talagang mapipintas sa pamilya, na patuloy ding dinadagsa ng blessings.
Samantala, sa Sabado, May 14 na ang simula ng first sitcom ng Kapuso Royal Couple na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Pacquiao mas malakas kay Floyd — Paul

    Di hamak na mas malakas si eight-division world champion Manny Pacquiao kumpara kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.     Ito ang pananaw ni YouTuber Logan Paul matapos bumisita sa training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Personal na nakita ni Paul ang lakas ng kamao ni Pacquiao. […]

  • Ads October 6, 2021

  • PDu30, ipinaalala sa DoH na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners

    PINAALALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging kautusan niya rito na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners sa gitna ng may ilang grupo ang nagpopotesta dahil sa pagkakaantala ng bayad sa kanila.   Sinabihan din ng Pangulo ang Kalihim na bayaran ang mga vaccinators na […]