• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

San Miguel consortium nanalo sa bid ng rehab ng NAIA

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang San Miguel-led consortium ang siyang nanalo sa bidding na ginawa para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170 billion.

 

 

 

Ang San Miguel consortium ay may planong maging isang world-class airport ang NAIA. Ang consortium ay binubuo ng San Miguel Holdings, RMM Asian Logistics, RLW Aviation Development, at Incheon International Airport Corporation.

 

 

 

“We are committed to collaborating closely with the government and our various stakeholders, harnessing every resource available to us, to transform NAIA into a modern international gateway that Filipinos will be proud of,” wika ng San Miguel Consortium.

 

 

 

Ayon sa DOTr, ang San Miguel consortium ay nag offer ng pinakamataas ng share ng revenues sa pamahalaan na may 82.16 porsiento. Ito ang pinakamataas kumpara sa dalawang (2) bidders.

 

 

 

Ang GMR Airports Consortium ay nag offer ng 33.30 porsientong share sa revenue habang ang original na proponent ng NAIA na Manila International Airport Consortium ay nag offer naman ng 25.91 porsiento. Ito ay binubuo ng India’s GMR Airport International B.V., Cavitex Holdings Inc., at House of Investments Inc.

 

 

 

Samantalang ang Manila International Airport Consortium ay binubuo naman ng malalaking kumpanya sa Pilipinas tulad ng Aboitiz InfraCapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corp., Alliance Global, Filinvest Development Corp., JG Summit Infrastructure Holdings, Asia’s Emerging Dragon Corp., at ang US-based partner na Global Infrastructure Partners (GIP).

 

 

 

Ang Asian Airport Consortium na sumali rin sa bidding subalit ang kanilang technical proposal ay nakitang hindi compliant o incomplete bago pa man sumailalim sa financial offer.

 

 

 

Sa isang pahayag sinabi ng San Miguel Consortium na sila ay honored na sila ang nanalo upang mabago ang NAIA at maging isang modern na international gateway.

 

 

 

“Our proposal is designed not only to elevate NAIA to world-class standards but also to ensure that the government benefits from the most advantageous revenue-sharing agreement,” saad ng consortium

 

 

 

Ayon naman sa DOTr na maraming grupo ang humamon sa bids ng ibang grupo kasama na ang San Miguel.

 

 

 

“Three out of 4 bidders filed or submitted challenges to the qualifications of the other bidders. One of them challenged three, the other challenged two, the other challenged one. All the challenges, all of the disputes that were submitted to BAC have been resolved,” ayon kay DOTr usec TJ Batan na siyang head ng Bids and Awards Committee.

 

 

 

Si DOTr Jaime Bautista naman ay confident na ang deal ay hindi na hahamonin ng mga natalong mga bidders.

 

 

 

“Before we made the award, we informed the two other bidders who qualified and they accepted the outcome of the bidding,” saad ni Bautista.

 

 

 

Ang concession agreement ay lalagdaan sa loob ng 30 araw at pagkatapos ay puwede ng magsimulang mag-operate ang San Miguel sa susunod na 3 hanggang 6 na buwan. LASACMAR

Other News
  • DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino

    SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards  para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.     Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang […]

  • GUWARDIYA NA BINARIL NG PASYENTE, PATAY NA

    PATAY na ang guwardiya na binaril ng isang pasyente na nakulitan matapos na sitahin sa kanyang paglabas masok sa kanyang ward sa loob mismo ng Jose Reyes Memorial Hospital.     Ayon kay PLtCol John  Guiagui, dakong  alas-9:20 ng umaga nang bawian ng buhay si Arturo Budlong, 37, binata  at Security Guard ng Achievers Security  […]

  • 2 Driving Schools sinuspinde ng LTO dahil sa pamemeke ng TDC, PDC Certificates

    NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga driving school at accredited na klinika ng ahensya na medical clinics na umiwas sa anumang ilegal na gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko sa kalsada.   Ito ay matapos masuspinde nang 30 araw ang operasyon […]