San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI inasahan ng San Miguel na mahihirapan silang iligpit ang Blackwater.
Kinailangan ng Beermen ng extra period para lusutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 points sa overtime para sa pang-limang sunod na ratsada ng San Miguel.
Pinalakas rin nila ang pag-asa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
“I know this team will be tough to beat come the playoffs,” sabi ni coach Leo Austria na nakahugot rin ng 25 markers kay Jericho Cruz. “We’re lucky we’re able to pull off a win in overtime.”
Nagdagdag si CJ Perez ng 23 points, habang may 17 markers si center Moala Tautuaa.
Nahinto naman ang apat na sunod na arangkada ng Blackwater para sa 5-2 marka.
Humataw si Rashawn McCarthy ng 22 points para sa Bossing na nakabangon mula sa 21-point deficit, 65-86, sa pagsisimula ng fourth period para agawin ang 95-92 abante sa 2:15 minuto nito.
Iginiya ni Cruz ang Beermen sa extension, 97-97, mula sa isialpak na floater.
Nagsanib-puwersa sa overtime sina Fajardo at Tautuaa para ilayong muli ang San Miguel sa 106-101 sa huling 54 segundo.
Ngunit hindi sumuko sina Baser Amer at JVee Casio matapos magsalpak ng magkasunod na triples para sa 107-108 agwat ng Blackwater sa nalalabing pitong segundo.
Tuluyan nang sinelyuhan ni Fajardo ang panalo ng Beermen sa kanyang dalawang free throws.
Tumipa si Rey Suerte ng 18 points para sa Bossing at may 17, 15 at 11 markers sina Amer, Casio at Brandon Ganuelas-Rosser, ayon sa pagkakasunod.
-
PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]
-
Djokovic makakakuha ng visa para sa 2023 Australian Open
Ang dating world number one na si Novak Djokovic ay bibigyan ng visa para maglaro sa 2023 Australian Open, sinabi ng mga ulat ng lokal na media noong Martes, sa kabila ng kanyang deportasyon mula sa bansa bago ang torneo ngayong taon sa Enero. Nagpasya ang gobyerno ng Australia na bigyan ng visa ang […]
-
Mandatory evacuation ng mga Filipino sa Ukraine ipinag-utos – DFA
IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation sa mga Filipino na nasa Ukraine. Ayon sa DFA na nagiging malala na ang sitwasyon sa Ukraine mahigit isang linggo ng atakihin sila ng Russia. Itinaas na rin sa Alert Level 4 ng DFA ang nasabing crisis level sa nasabing bansa. […]