• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.

 

Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa COVID-19.

 

“Pero ‘yung sanggol po na ‘yun na-admit sa ospital, actually ang reason  na nai-refer samin ay mayroon po siyang abnormality sa puso and napakabilis ng pagtibok ng puso at nung plano naming gamutin yun at tinesting po yung baby eh may COVID kaya siya po ay nadala sa COVID ward” ayon pa sa tagapagsalita ng PGH.

 

Ayon pa kay del Rosario may iba pang mga batang pasyente sa PGH  na may COVID  noong nagsisinula ang pandemic ngunit  mas kumplikado aniya ngayon dahil  ang iba ay matindi ang kanilang COVID pneumonia na nakuha at iba pang kumplikasyon.

 

Mayroon din aniya silang pasyente na may sakit na tinatamaan din ng COVID-19.

 

Sa ngayon, hindi pa aniya natatanggap ng PGH ang  genome sequencing results ng mga bata .

 

Nauna nang inihayag ng ospital na mayroon nang 21 Delta cases .

 

Plano naman ng PGH na magdagdag pa ng apat na kama para sa pedia coronovirus ward.

 

“Hindi naman po kami nananakot na laganap na ang COVID sa mga bata. Ang sinasabi lang po namin ay nagkaka-COVID po ang ating mga anak kaya kailangan nating mag-ingat,” he said.

 

“The hospital’s intensive care unit (ICU) for adults is full, while 153 out of 225 beds are available,” ayon pa kay del Rosario.

 

“Ang challenge lang po kung severe or critical ‘yun po ang medyo challenging dahil sa adult po puno ang ICU,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pfizer vaccines na mula sa Covax facility, hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population

    HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa Covax facility.   Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng Covax facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng […]

  • La Salle ibinunton ang galit sa UST

    IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.     Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]

  • Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19

    NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.   Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.   Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]