• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sangkot droga, timbog

ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa Bagong Barrio Sub-Station ang report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug trade sa Waling-Waling St. corner Santan St. Brgy. 149, Bagong Barrio.

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis si Wilmar Escarez, 31, at Federico Medina, 24, na nag- aabutan umano ng droga at nang kanilang arestuhin ay tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa madakip si Escarez at makuhanan ng isang sachet ng shabu.

 

Nakorner naman si Medina sa loob ng pinasukang bahay sa No. 413 Waling-Waling St. kung saan naaktuhan din ng mga pulis sina Wilmer Bagalan, 31, Gerald Salvador, 50, at Allan Jay De Castro, 33, na sumisinghot ng shabu.

 

Nakuha kay Medina ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu habang nakuha naman sa tatlong suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu at mga drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar

    Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.     Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.     Sumalpak ang  apat na beses na NBA […]

  • PBBM, suportado ang panukala ng PSAC na magsanay ng mas maraming Pinoy Healthcare

    SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ituloy ang pagsasanay sa mas maraming manggagawang Filipino sa healthcare at information technology (IT) sectors.     Kailangan na i- require sa mga ito na magsilbi ng dalawa hanggang tatlong taon ‘locally’ bago pa payagan ang mga ito na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para […]

  • ‘Ligtas, payapa sa ngayon’: DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos ang 2 taon

    WALA pang mga major na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.     “Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges,” wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa.     […]