Sangley Airport maaatraso ang development
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa.
“We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future of the airport development,” wika ni Anna Mercene Pulmonares ng legal department ng Cavite’s provincial office.
Ang apat (4) na kumpanya na naghain ng bidding documents noong una pa man para sa airport project ay ang Metro Pacific Investments Corp., state-owned China Communications Construction Co. Ltd (CCCC), Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. and Mosveldtt Law Office.
Noong 2019, ang CCCC at ang partner nitong MacroAsia ang siyang unang bidder na nagwagi sa ginawang bidding. Subalit noong nakaraang January, ang nasabing deal na binigay sa tandem ay binawi dahil sa kakulangan ng mga dokumento na inihain. Kung kaya’t napilitan ang lokal na pamahalaan ng Cavite na muling maghanap ng partner.
Sa ngayon, ang operasyon sa airport ay naapektuhan ng pandemya at walang linaw kung muling babalik ang pre-pandemic passenger traffic sa Sangley International Airport.
Ayon sa isang eksperto, mahirap ngayon ang mag invest sa isang airport project lalo na kung malaki ito. “It is not appealing as before, as we all know, we have no idea as to when travel will return to normal. I will have to think twice, or even thrice, if I were the one investing,” wika ng isang source.
Sinabi naman ng CAPA-Center for Aviation na habang ang ibang airport development ay magpapatuloy, ang iba naman ay hindi maiiwasan na magkaron ng pagkaantala ang development sa mga susunod na taon.
Dagdag pa ni Pulmones na kahit na pinalawig pa nila ang deadline ng submission ng bidding para sa mga prospective bidders ay wala pa rin silang natatangap na bidding documents sa ngayon.
Ang plano ng lokal na pamahalaan ng Cavite ay madevelop ang SPIA upang ito ay maging isang modern, sustainable, at world-class international hub at isang main gateway na walang sovereign debt o guarantee mula sa pamahalaan.
“The joint venture partner would have been responsible for co-developing the airport project with the province of Cavite, as well as providing the necessary equity investment, debt financing and credit enhancements,” saad ni Pulmones. LASACMAR
-
Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K
Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan. Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers. Sinuot nito ang jersey noong game 3 and […]
-
Mahigit sa 1.4-B DSWD disaster relief funds, naka-standby para kay ‘Rosal’
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mayroong P1.4 bilyong halaga ng standby funds ang Central Office, Field Offices, at National Resource Operations Center bukod pa sa stockpiles bilang paghahanda sa pananalasa ni tropical depression Rosal. Maliban pa dyan, may mahigit na 547,000 family food packs ang nakahanda […]
-
Pinay tennis player Alex Eala bigo sa unang round ng W25 Manacor final leg
NABIGO sa unang round ng W25 Manacor si Filipino tennis player Alex Eala. Hindi kasi ito pinaporma ni number 5 seed Giulia Gatto-Monticone sa score 6-2, 6-1. Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng 34-anyos na Italian tennis player. Ito na ang ikatlo at final leg […]