‘Sanitation’ sa ‘Athletes Village’
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
MAKARAANG makumpleto ang 14-day quarantine sanhi ng COVID-19, para sa mga pasahero ng MV Diamond Princes, minabuti muna ng pamunuan ng New Clark City Athletes’ Village na isailalim ito sa paglilinis simula pa nitong Miyerkules, Marso 11.
Ang Athletes’ Village ay ang nagsilbing ‘quarantine area’ ng mga tinaguriang Person Under Investigation (PUI) matapos ang kanilang exposure sa pasahero na nagposotibo sa COVID. Ginamit itong quarters sa nakalipas na 30th SEA Games.
Mismong ang mga tauhan buhat sa Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang naglinis at silang nag disimpektibo ng nasaing lugar kung na ginamit ng kabuuang 445 repariates buhat sa nasabing cruise ship.
Lahat ng kuwarto sa naturang gusali ay sinigurong malinis at walang mikrobyo na na naiwan upang maiwasan ang pagsalin ng virus sa iba, upang masgurong ligtas ang mga nakatira malapit sa nasabing lugar.
“We would like to assure everyone, especially those residing in the adjacent communities of New Clark City, that the Athletes’ Village has been thoroughly sanitized by the DOH,” pahayag naman ni BCDA President and CEO Vince Dizon.
Ayon naman sa DOH, ang mga kuwarto na ginamit ng dalawang crew member na nagpositibo sa COVID-19 ay agad na nilinisan nang maigi at kasama na ang pag-disinfect dito, matapos na mailipat sa ospital ang mga naturang bitima.
Katulad ng Metro Manila, nasa ilaim din ng lockdown ang New Clark City upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ibang karatig pook.
“New Clark City will remain on lockdown in accordance with the government’s directive to the public to refrain from visiting public places,” ayon pa kay Dizon.
Ang kalinisan ay para sa kaligtasan ng bawat bayan at mamamayan.
-
Ads July 28, 2021
-
Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating
Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest player ng PBA. Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]
-
Phoenix inambush ang San Miguel
BINUHAT ni RJ Jazul ang Phoenix Super LPG sa panalo kontra sa San Miguel Beermen, 110-103, sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Gym sa Pampanga. Sumiklab ang 5-foot-11 at kumamada ang 33 career high points kasama ang siyam na three points kung saan malaki sa kanyang naibuslo ay sa 4 […]