Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.
Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na katatapos lang ng liga sa Land of the Rising Sun kung saan pumanlima ang kanyang koponan.
Idinagdag pa kahapon ni Santiago, na pag-aaralan pa niya ang kanyang mga susunod na hakbang kung sa ‘Pinas na magpapatuloy nang pagpalo o sa ibayong dapat pa rin.
Pinanapos ng dalaga, na nagpapadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang mga liga sa iba’t ibang ng mundo na katulad sa China, Italy at Turkey, kaya may posibilidad din mula sa Japan ay lumipat siya ng ibang liga sa Europe o Asia pa rin. (REC)
-
P500 na ayuda para sa mahihirap na pamilya, 3-mos. lang kakayaning ibigay ng gov’t – DBM
INAMIN ng Department of Budget and Management (DBM) na sa loob ng tatlong buwan pa lamang sa ngayon ang kayang maibigay ng pamahalaan para sa proposed P500 na buwanang subsidiya para sa mahihirap na pamilyang Pilipino dahil sa kaunti lamang ang pagkukunan ng pondo. Sinigundahan ni acting Budget Secretary Tina Canda ang […]
-
COVID-19 cases, posibleng pumalo ng 11-K kada araw sa kapatusan ng Marso – experts
Posible umanong pumalo sa 11,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan ng Marso. Ito ngayon ang lumalabas sa bagong pagtaya o calculation ng OCTA Research group. Sinabi ni Professor Guido David na base kasi sa reproduction number ay tumaas pa sa 2.03, ibig […]
-
UFC star Gilbert Burns, gumaling na mula sa COVID-19
Gumaling na mula sa coronavirus si UFC star Gilbert Burns. Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang dalawang linggo ng ito ay magpositibo sa COVID-19. Nagpost pa ang 34-anyos na UFC star ng test resutl nito sa kaniyang social media account. Magugunitang tinanggal siya sa laban kay Kamaru Usman matapos magpositibo at […]